Chapter Seven

19 0 0
                                    

Kinabukasan ay katapos palang kumain kasabay ni mom dahil umuwi na ito kagabi at pinuntahan pa ako sa aking kwarto para mag good night kaya nalaman kong nakauwi ito.Humingi rin ito ng pasensya sakin dahil wala na daw siyang time sakin at hindi na daw kami nakakapag bonding kaya inaya ako nito kagabi na mag mall kami ngayon na ikinasaya ko naman na sinang-ayunan.

Kaya maaga palang ay gising na ako dahil excited ako sa bonding namin ngayon. Wala pa naman pasok sa school kaya may time kaming makapag bonding ni mom. Ilang buwan narin kasi kaming hindi nakakapag bonding dahil sa busy si mom sa kompanya dahil nagkaroon dito ng problema. Mabuti na ngalang at naayos narin ni mom kaya hindi na siya magiging busy ngayon.

Nang natapos makaligo at makapag-ayos ng sarili ay suot ang aking shoulder bag ay naisipan ko ng bumaba. Isang floral dress na hanggang tuhod ang suot ko at isang four inch na sandals ang aking suot. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang buhok ko at naglagay ng konting make up sa mukha na hindi naman makapal at tama lang sa mukha ko.

Nang tuluyan makababa ay nadatnan ko si mom na nakaupo sa mahabang sofa habang nasa TV ang paningin. Nakabihis na ito at katulad din ng sakin ang suot nito na ikinangiti ko nalang. Ganon kasi kami palagi kapag nagba bonding kami, palaging parehas ang suot namin para daw malaman ng nakakakita samin na mag-ina kami. Well, madalas nga lang ay napagkakamalan kaming magkapatid dahil sa edad na 30 plus na si mom ay mukhang bata parin at maganda.

"Hey mom.."pang-aagaw pansin ko dito. Kaya naman napalingon ito sakin at hinagod ako ng tingin sabay ang pagkurba ng matamis na ngiti sa kanyang labi.

"You really look like me darling. Ang lakas talaga ng lahi namin.."aniya nito na siyang ikinatawa namin dalawa sa huli.

Well, magkamukha naman talaga kami ni mom na siyang ikina proud ko naman.

Katapos ng kulitan namin sa sala ay naisipan na namin magtungo na sa mall gamit ang kotse ni mom na siya ang driver. Habang nasa bahay ay panay kami kuwentuhan at tinatanong ako nito sa mga nangyare sakin ng ilang araw. Sinabi ko naman lahat dito dahil parang kapatid at ina ang turing ko dito, kaya lahat ng secret ko sinasabi ko kay mom.

"Oh,who's that guy that annoying you again?.."tila nanunuksong tanong nito ng sabihin kong sa kanya ang bakulaw na manyak na yon.

"Mom.."may pambabanta kong aniya dito na ikinatawa nito.

"Why darling? nagtatanong lang naman ako.."aniya nito ng natatawa kaya naman napabusangot nalang ako.

"Hindi po ako interesado sa lalaking iyon mom at kagaya lang siya ng vargas na yon makulit.."depensa ko dito.

Nahinto naman ito sa pagtawa at napabuntong hininga na siya ko naman ikinatingin dito. Seryoso na ang mukha nitong nakatingin sa daan.

"What's the problem mom?.."tanong ko dito.

"Sorry darling kung bakit nakakaganyan ka ngayon.. Ito lang ang gusto kong sabihin sayo anak na hindi lahat ng lalaki kagaya ng dad mo..kaya subukan mo naman ang magbigay ng chance..paano kung mawala na kami ni mama edi wala manlang mag-aalaga sayo.."aniya nito na siyang ikina angal ko agad.

"Mom wag ka po'ng magsalita ng ganyan hindi kayo mawawala ni lola.."naiiritang aniya ko dito.

Sakto naman at nag red light ang street light kaya huminto si mom at tumingin sakin."Hindi na kami bumabata Rian kaya gusto ko lang_ namin ni mama na magkaroon ka ng mag-aalaga sayo at mamahalin ka kagaya ng pagmamahal namin ng lola mo Sayo.."seryoso nitong aniya na siyang ikina iwas ko ng tingin at napayuko.

"Sorry mom alam ko po yon..but hindi ko pa rin kaya makipag interact to other boys mom alam niyo naman po yon..at siyaka sapat na po kayo sakin.."mahinang aniya ko na sapat na marinig niya.

Taming The Mannhasser (Mafia Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon