Chapter Fourteen

7 0 0
                                    

Naalimpungatan ako ng marinig ang malakas na ringtone ng aking cellphone kaya naman agad akong napamulat ng mata. Anong oras na ba?

Agad naman akong napatingin gawi sa kinaroroonan ng wall clock. 11:34 palang ng umaga kaya naman napaupo na ako sa aking kama at sabay ng pagkakunot ng aking noo. Sino naman kaya yang tumawag sakin at umistorbo ng tulog ko. Yawa!

Bumangon na ako sa aking kinauupuan at agad na kinuha ang cellphone kong chinarge ko kanina at tinignan mona kung sino yung tumawag. Its kia. Bakit kaya napatawag ito? May problema kaya? Hindi kona pinatagal pa ang pagri ring ng phone ko at sinagot na.

"Hello.."medyo paos ko pang aniya.

[Teka kakagising mo lang ba? Halata kasi sa boses mo..]

"Yeah, bakit ka nga pala napatawag kia?.."nagtatakang tanong ko.

[Pumunta ka dito sa bahay andito nadin ang dalawang sila biena and diane i mean hindi pa pala sila umuuwi sa kanila. Wag ka narin magtanong rian basta dito nalang namin ipapaliwanag kong bakit kita pinapapunta dito..]mahaba nitong aniya.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman akong magagawa para tumangging wag pumunta, dahil baka si diane pa ang pumunta dito sa bahay at kaladkarin ako papunta sa bahay nila kia. Hays!

"Ok i'll be there in any minutes, magsha shower lang muna ako.."aniya ko.

[Ok, bilisan mo nalang daw, pupuntahan ka daw diyan ni diane kapag nagtagal ka..]

Napairap nalang ako sa hangin dahil sa narinig. Nang mamatay na ang tawag ay agad na akong nagtungo ng banyo para maligo. Nang natapos ay nagbihis lang ako ng simpleng highwaist short na black at oversize na tshirt na color yellow. Hindi ko narin binlower ang buhok kong kulay abo na hanggang bewang at hinayaan na nakalugay.

Nang natapos ay bumaba na ako at pagkababa ay wala akong nakita sa salang si mom. Nasaan kayo yon? Umiling nalang ako baka siguro nasa kwarto niya lang.

Nang tuluyan makalabas ay ang aking kulay pula na racing car ang ginamit ko. Pinagbuksan pa ako ng gate ng security guard dito sa bahay bago mabilis na nagmaneho patungo kila kia.

Ilang sandali lang ay nakarating din ako sa tapat ng gate ng bahay na agad naman bumukas kaya ipinagpatuloy kona papasok ang pagmaneho. Nang makarating sa parking area ay kaswal lamang ako lumabas at tumambad agad sakin ang tatlo.

"Wooh,ang aga ah! Akala ko kailangan kapa namin hilain sa inyo.."sarkastikong aniya ni diane na inismiran ko lang.

Nagpatuloy na kami papasok sa loob hanggang sa makapasok at tumambad samin ang pitong lalaki sa living room. Ang apat ay nakatutok sa malaking TV flat screen at mukhang naglalaro ng video game. Mga isip bata. Ang tatlo naman ay nakaupo sa magkakaibang couch habang may kanya kanyang hawak at ginagawa na kasama nadin ang asawa ni kia.

"Ano ba mark wag kang mandaya!.."

"Ul*l natatalo kalang talaga.."

Napairap at napailing nalang ako ng marinig ko ang boses nitong nakikipagtalo sa nilalarong video game. May pagka isip bata din pala itong manyak nato!

"Hey guys andito na si beauty three kaya pwede ng magsimula ang training na sinasabi niyo samin.."pag-agaw ng pansin sa mga ito ni diane.

Kaya kita ko naman ang pagtingin nila sakin lalo na si manyak na napahinto pa sa paglalaro at napatingin sakin. Tinaasan ko naman ng isang kilay ito ng hagudin nito pababa ang kabuohan ko. Manyak talaga. Binalik muli nito ang tingin sakin sa mata ko pero ngayon ay may makikita kanang parang naiinis, naiinis?

"Pumunta ka dito ng ganyan ang suot mo.."may pagkainis na aniya nito at kita ko pa ang pagtagis ng bagang nito.

"Wooh possesive ang xander natin.."kantyaw naman ng katabi niya na katalo niya kanina. Tsk!

Taming The Mannhasser (Mafia Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon