"Pumunta kayo sa bahay mamaya ha, aasahan ko kayo."Napatango nalang ako sa sinabi ni Kia, habang naglalakad patungong sasakyan ko. Pinapunta niya kami dahil magluluto daw siya. Walang okasyon, gusto lang niya magluto.
"Diane, where's Vien?. "
"Kanina pa siya lumabas, emergency sa bahay ata."
"Okay, thanks. I gotta go. "
Huli kong narinig bago ako makasakay sa sasakyan ko. Napasulyap ako kung nasaan pa rin sila diane ng pinag-iwanan ko at natanaw ang papalayong bulto ng isang babae, sa kanila. Napakibit balikat na lang ako ng makilala ito at nagsimula ng magmaneho pauwi.
Pagkarating sa condo ay agad akong bumagsak sa kama para, magpahinga. Mamaya pa naman ako pupunta sa bahay nila Kia, kaya may oras pa ako para magpahinga. Ilang minuto lang ay ginupo na rin ako ng antok at nakatulog. Nagising nalang ako ng ala sais ng gabi, kaya agad akong gumayak para makapunta na kila Kia.
Baka kasi kung hindi ako makapunta ay magtampo naman ang isang yon. Kahit minsan hindi maganda ang ugali O attitude ko ay pagdating sa kanilang mga kaibigan ko ay malambot ako, dahil parang mga kapatid ko na sila kung maituturing.
Makalabas ng condo ay agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang patungong ground floor, papasara palang ang pinto ng may kamay na humarang dito. Unti-unting bumukas ang stainless steel na pinto ng elevator at nagulantang ako sa taong may gawa nito.
"X-Xander."
Mahinang bigkas ko. Hinihingal itong mabilis na pumasok, kaya napausog ako sa kabilang gilid para makapasok ito. Kahit naguguluhan kung bakit ito nandito ay hindi ko na natanong.
"Your so fast to walk baby, muntik na kitang hindi maabutan. "
Napairap na lang ako kahit na may gustong lumabas na ngiti sa aking labi dahil sa itsura nito, na mukhang hinihingal ngunit may malawak na ngiti sa labi habang nagungusap ang matang na nakatingin sakin. Ilan beses na bang nakita kong ganito ang mga tingin niya sakin. Hindi ko na mabilang, na minsan hindi ko ina-acknowledge dahil sa paulit-ulit kong inaalis ang posibleng damdamin na kanyang pinararamdam sakin.
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako nandito sa building kung nasaan ang unit mo?. " He ask suddenly na siyang kinakurap ko dahil sa iniisip at napatingala sa kanya ng hindi naiwasang pagtaasan ng isang kilay.
"No." I simply answer and immediately averted my eyes on him, dahil sa hindi maipaliwanag na pagkabog ng mabilis ng dibdib ko ng magkasalubong ang mga mata namin.
"Hinatid ko lang ang anak ng kaibigan ni mommy." He inform na siyang kinakunot ng noo ko kaya napatingin muli ako dito. "Ikaw, where are you going in this late night? ."He added.
Napabuga nalang ako ng hangin at napakrus ng braso sa ilalim ng aking dibdib. Gusto ko sana siyang tarayan na lang at wag ng sagutin, ngunit mas nangibabaw ngayon ang kabaliktaran nito.
"Kila kia."
Kita ko naman ang pagliwanag ng mukha nito.
"Sumabay kana sakin, doon din ang punta ko."He happily offered.
Malalim naman akong tumingin dito at lalong pinagtaasan ito ng kilay. Na pinapakita ang pagtanggi na hindi naman tumalab dahil sa ginawa nitong pagpantay ng mukha sakin na siyang kinalaki naman ng mata ko sa pagkabigla ngunit mabilis ko din naman naitago.
"Sige na Cath." He softly persuade.
Muntik na kong mapapikit dahil sa mainit nitong hininga na tumama sa mukha ko na kina-lalim din ng aking paghinga kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib na ngayon ko lang ulit naramdaman. Mabilis akong napaiwas ng tingin at wala sa sariling sumagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/304789967-288-k667548.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming The Mannhasser (Mafia Series #2)
AzioneRhianna Catherine Pineda Alcantara ang babaeng kinasusuklaman ang mga lalaki, dahil sa kanyang past na hindi makalimutan. Xander Lee, a naughty childish man, who loves to play around, mostly girls. A playboy to be exact. Fifth boss in mafia world...