Chapter Thirteen

8 0 0
                                    

Rhianna Catherine Alcantara.

Napamulat naman ako ng mata at ang nakakasilaw ng ilaw ang bumungad sakin. Napakusot pa ako ng mata at babangon na sana ng may magkabilaan na braso ang nakadagan sa tiyan ko. Napatingin naman ako dito to really find out na si kia sa kanan ko at nasa kaliwa ko naman si diane kaya pala hindi na ako makahinga, dahil siniksik ako ng dalawa. Y*wa!

Umungot naman ang dalawa ng alisin ko ang pagkakadagan ng braso nila sakin at naisipan ng bumaba. Napatingin pa ako sa suot ko at nakapantulog na ako. Napailing nalang ako dahil panigurado ay isa sa dalawa na ito ang nagbihis sakin.

Napagpasyahan ko nalang magtungo sa banyo at mukhang nasa bahay ako nila kia ngayon dahil sa pamilyar na kwarto. Na kwarto ni kia. Naghilamos lang ako at nagmumog dahil uuwi narin ako sa bahay namin ngayon, dahil panigurado nag-aalala na sakin si mom.

Habang tumitingin bigla ko naman naalala ang nangyari kagabi at hindi ko maiwasan manindig balahibo sa nasaksihan ko. Ano ba yan tama na nga sa pag-iisip ng ganon rian!

Hindi ko rin maalis kong gaano nakakatakot ang itsura niya kahapon. Sobrang dilim ng mga mata niya na para siyang sinaniban. Argh stop it na rian.' Pagsuway ko sa aking sarili dahil ibinabalik ko na naman ang nangyari kagabi.

Napailing nalang ako lalo na sa huling sinabi ng isip ko bago ako mawalan ng malay. Seriously? Nagsisimula ko na siyang gustuhin! Baliw na ako! Hindi porket niligtas niya ako ay magbabago narin ang pananaw ko. Never. Aish!

Nang makalabas ay nadatnan ko naman ang dalawa na mukhang may hinahanap. Napakunot naman ang noo ko. Napabaling naman sakin ang tingin nila at kita ko pa na doon lamang sila nakahinga. Ako ba ang hinahanap nila? Nasagot lamang iyon ng magsalita si diane.

"Akala namin nawawala kana rian girl. My gosh!.."bulalas nito na kinailing ko nalang.

"Nag cr lang ako! Oa nito.."natatawa ko nalang na aniya. Bigla naman itong sumeryoso ng tingin sakin na siyang kinaatras ko.

"Anong nangyari pala sa inyo kagabi ni xander? Nakita ka nalang namin wala kanang malay habang buhat ka niya.."seryoso nitong tanong at si kia naman ay nakikinig lang samin habang nakaupo sa kama.

"Nawalan lang ako ng malay dahil sa panget na armadong sinuntok ang tiyan ko.."aniya ko.

Napatango tango naman ito na may inis sa mukha."Kaya pala sobrang galit ni Xander kagabi ng tinanong namin siya kung ano ang nangyare.."aniya nito na ikinapantig ng tenga ko."Kung alam mo lang din napalaban din kami ng papalabas kami ng resort na yon. Yung mga panget na yon muntik pa kaming dakpin ni kia my gosh. Mabuti nalang nagpaka lalaki ang baklush natin.."dagdag pa nito na may bahid ng gigil at pagkamangha sa boses nito.

Naupo nalang ako at nagpatuloy makinig sa kanya. Si kia naman ay kumuha ng cold compress para daw sa tiyan kong sinuntok kagabi. Nagtagis bagang pa ako ng makitang may malaking pasa na naiwan. Lintik talaga ang ugly creature na yon kung wala lang silang armas nakatikim sana sila ng sipa sa mukha. Kainis!

Nang natapos nilang gamutin ang pasa ko ay naglinis pa ang dalawa bago namin naisipan ng bumaba para mag-almusal. Sumakay pa kami ng elevator para makababa. Nang tuluyan makababa ay sa dining agad ang diretso namin at ang pitong lalaki naman ang nakita namin kasama si biena. Agad naman silang napatingin samin at lalo na si xander na napatayo pa sa upuan niya at agad akong nilapitan.

Rinig ko naman ang sipolan ng ibang kasama namin at kita ko rin ang mapanuksong tingin na pinupukol sakin ng tatlo kong mga kaibigan.

"Are you okay? Its your tummy hurt?.."sunod sunod na tanong nito at kita ko pa sa asul niyang mga mata ang bahid ng pag-aalala.

Taming The Mannhasser (Mafia Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon