Chapter Eight

13 0 0
                                    

Kaya naisipan nalang namin na lumabas na at tuluyan na sanang lalabas ng makita ko ang pamilyar na bracelet na nasa lapag katabi ng pinto ng restroom. Kaya agad ko naman itong nilapitan at dinampot. Nanlaki pa ang mata ko ng makilala kong kaninong bracelet ito. Kay kia.

Naramdaman ko naman ang paglapit sakin ni diane."Kay kia to ah?.."sambit nito ng hindi makapaniwala."My gosh sa kanya nga yan. Anong gagawin natin?mukhang may nangyari sa kanya.."naiiyak na dagdag nito na siyang ikinakabig ko ng yakap dito.

Hindi kona rin maitago ang pag-aalala ko sa kung nasaan na ang kaibigan namin. Nang parehas kaming bumitaw ay matamlay kaming lumabas ng restroom at bumungad agad samin si biena na may nagtatakang mukha.

"What happened? Nasaan si kia?.."sunod sunod na tanong nito.

"Wala siya sa loob at tanging ito lang ang nakita namin.."aniya ko at ipinakita sa kanya ang hawak kong bracelet ni kia.

"And to my instinct mukhang may kumuha sa kanya.."dagdag naman ni diane na siyang ikinatingin namin dito.

Umiiyak na ito kaya naman dinaluhan siya agad ni biena at niyakap. Samantala ako ay ilang beses ng napabuntong hininga at iniisip kong saan nagpunta si kia?

"Wait,kaibigan ni Mr Ford yung kaninang kausap mo si Mr Lee?.."biglang tanong ni biena kaya napatingin ako dito.

Tumigil naman sa pag-iyak si diane pero sumisinghot parin ito.Nagkatinginan naman kami ni diane at may bigla akong naisip.

"Humingi tayo ng tulong sa kaniya para mahanap natin si kia.."aniya ni diane na sinang-ayunan nalang namin bago nagtatakbo para hanapin ang manyak na yon.

Nang makarating kami sa loob ng gymnasium ay hinanap agad namin ito. Pero wala kaming nahanap pero hindi kami sumuko na hanapin ito and then i found him running towards the exit while serious was plastered on his face.

"Kakalabas lang niya ng exit lets go.."aniya ko agad sa dalawa na agad naman tumalima.

Hinabol namin hanggang sa makita namin itong sumakay sa kotseng kulay asul. Kaya naman ay dali dali kaming pumunta kung nasaan naka park ang van na sinakyan namin habang naghihintay ang driver namin dito. Nang makarating sa sasakyan ay pinaiwan na namin muna ang family driver namin at agad kaming sumakay sa van habang ako ang driver.

Agad ko itong sinundan hanggang sa makalabas ng gate ng school siyaka ko lang pinaharurot ang van. Rinig ko naman ang mura ng dalawa at tili na ikinangisi ko nalang.

"Shit.."

"Kyaaah nakakahilo.."

Rinig kong reklamo ng dalawa at mura. Hindi kona ito pinansin pa at agad na pinabilis ang pagmamaneho para maabutan ang lalaking yon. Hanggang sa makita kona ang pamilyar na sasakyan kaya napangisi ako at tinudo pa kaya rinig ko naman ang paghiyaw ng dalawa.Tsk.

Sinundan ko lang ang kotse nito at napakunot pa ang noo ko ng lumiko sa daanan na walang dumadaan siya tumungo kaya hindi na ako nag hesitate na sundan ito. Alang alang sa kaibigan namin. Sana alam ng manyak nato kung nasaan ang kaibigan namin. Nagtagal pa ang pagmamaneho ko dahil napagkalayo naman.

Pansin ko naman na alam na nito na sinusundan ko siya but mukhang hindi naman ito gumagawa ng paraan na iligaw kami.Which is good dahil hindi na kami mahihirapan. Hanggang sa huminto na ito sa isang mukhang abandonadong malaking bahay. Kaya agad ko rin pinaharurot palapit dito at hininto sa tabi ng sasakyan nito.

Hindi na ako nagdalawang isip na bumaba ng sasakyan ng maayos ko ng naipark ang sasakyan. Naramdaman ko naman ang pagbaba din ng dalawa habang nagrereklamo ng kung ano ano.

"Grabe ka rian girl papatayin mo ba kami?.."rinig kong aniya ni diane kaya napatingin ako dito na ngayon ay nagsusuka na sa gilid.

Ang bakla naman ay nakasandal sa pinto ng van habang nakapikit. Rinig ko pa ang pagrereklamo nito na ikinailing ko nalang.

Taming The Mannhasser (Mafia Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon