Chapter Ten

13 0 0
                                    

Nang nilamig na kami at siyaka palang kami umahon. Kinalimutan kona din ang nangyari kanina at hindi kona hahayaan na gawin niya ulit yon sakin dahil babangasan kona siya talaga.

Nang makaahon ay isang tuwalya ang inabot sakin ng sino paba. Nilagpasan ko lang ito kahit nilalamig na ako pero hindi pa ako nakakalagpas sa kanya ng mahawakan niya ang braso ko kaya nahila niya ako. Napalunok pa ako ng tumama ang mukha ko sa matigas nitong dibdib.

"Pwede ba catherine wag mo mona ilabas ang katigasan ng ulo mo magkakasakit ka pa niyan.."mahinahong aniya nito at naramdaman ko ang pagpulupot niya sakin ng tuwalya.

Agad naman akong napaalis sa pagkakadikit sa dibdib niya ng marinig ko ang malakas na kabog ng dibdib niya kagaya rin ng pagkabog ng dibdib ko ngayon. Huminga ako ng malalim at matapang siyang tinignan sa mata.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na stop bugging around me Xander dahil wala kang mapapala sakin.."seryoso kong aniya.

Hindi ito natinag bagkos ay mas sumeryoso pa ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi mo makikita sa mata nito ang bahid na kahit anomang emotion kaya hindi ko alam kong anong nararamdaman niya.

"Kahit ilang beses mo pa yang sabihin ang lagi kong isasagot sayo ay wala akong pakialam, as long as i sincerely devoted this feeling in you Catherine..."seryoso nitong aniya at halos mahigit ko ang hininga ko ng ngumiti ito ng sincere."Alam kong may galit ka saming mga lalaki but I assure you that I am not the man you know."sinserong dagdag nito." Try me."

Sa sinabi nito ay para akong napipi at hindi ako nakapagsalita na kahit kailan ay hindi ko nagawa sa ibang lalaki. Marami ng lalaki ang naging kagaya ni Xander na makulit katulad na nga si Ryan. Pero sa lahat ng lalaking iyon hindi ko naramdaman ang nararamdaman ko ngayon at i hate this. Dahil ipinangako ko sa sarili kong hindi kona hahayaan na masaktan akong muli ng kahit sino pa mang lalaki.

Lumayo na ito sakin at mahinang ginulo ang buhok ko bago ako talikuran at iwan na walang nasabi sa kaniya. Kinagabihan ay kaming mga babae ay nagtungo sa karaoke bar para kumanta at uminom narin. Hindi namin kasama ang boys maliban nalang kay biena dahil pusong girl ito.

"Ang tipo kong guy sa aking buhay masarap magmasahe bigay na bigay.."

Umalingawngaw ang boses ni diane habang ikinakanta ang kiliti sa karaoke. Ewan ko ba sa baliw na yan ayan pa ang kinanta. Sumasayaw pa ito habang kumakanta na sinasabayan ang rhym ng kanta.

"Banayad humagod ang kanyang kamay at kong pumisil wala pang aray. Mula sa noo hanggang sa paa sa kanyang masahe maiin-love ka sa sobrang sarap napatirik ang aking mataaa.."kanta pa nito at bumirit sa dulo na ikinailing ko nalang.

"Wag diyan may kiliti ako diyan, wag diyan kasi relax kalang may kiliti ako diyan, ay yay yay.."sumasayaw nitong kanta.

Nagpatuloy pa itong kumanta habang painom inom ng alak. Hanggang sa natapos ito at si kia naman ang nagsalang ng kakantahin. Napapasayaw narin ito ng tumugtog na ang kakantahin niya. Lasing narin ang isa. Mabuti ako ay hindi pa umiinom.

"Minsan siya ay nakausap ako ay parang nasa ulap ng ako'y kanyang titigan sa puso ko'y anong sarap.."simula ni kia na chine cheer ng dalawa.

"Woah go kia girl.."

"Birit pa more.."

"Di naman siya sobrang gwapo ngunit siya ay type na type ko. Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko.."bumirit ito sa huli."Mister Kupido.. Ako nama'y tulungan mo, bakit hindi pa panain ang kanyang damdamin ng ako ay mapansin.. Mister Kupido sa kanya'y dead na dead ako. Wag mo ng tagalan ang paghihirap ng puso ko.."

Dinampot kona ang baso ng alak sa harap ko habang pinapakinggan ang kumakantang si kia. Nang natapos siya ay si biena naman ang kumanta. Uminom nalang ako at nakinig nalang sa kanila dahil wala pa akong ganang kumanta.

Taming The Mannhasser (Mafia Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon