"Zin POV"
Naglalakad kami papunta sa banyo dahil gustong maghilamos ni Yanna.
"Zin" I look at her. She's so scared. I touch her innocent face and hold her cold hands.
"Shhhh don't be scared, I'm always here"
"AHHHHHH!" agad kong hinatak si Yanna sa isang sulok.
"Shhhhhh" madilim dito sigurado hindi kami mapapansin.
"Zin anong meron?" Bulong niyang tanong.
"Hindi pako sigurado pero kung ito lang ang paraan para makaligtas tayo gagawin natin" bulong kong sagot. Dahan dahan kong hinatak si Yanna palayo sa kung nasaan kami. Ang daang tinatahak namin ngayon ay papunta sa CCTV room.
"Wagggggg! Ahhhhhh" mula sa pwesto namin ay dinig namin ang hiyawan at sigawan sa loob ng kwarto. Napasok ba kami? Paano?
"Zin"
"Shhhhhh" dahil nga madilim ang paligid ay walang makakapansin maliban nalang kung mag -iingay kami na maaaring maka attract sakanila. Nagpalinga linga ako at nakita ng isang pintuan, lumapit ako dito at laking pasasalamat ng bukas ito. Agad kaming pumasok at walang nakita dito kundi mga box lang, wala kaming pwedeng lusutan nito.
"Zin may butas dito" mahinang sabi ni Yanna, lumapit ako dito at pinag-aralan kung papaano namin magagawan ng paraan. May kataasan kasi ito pero kasya naman ang tao. Dahil patay naman ang linya ng kuryente dito, sa tingin ko ligtas daanan to.
"Yanna, Jan ka muna" dahan dahan kong hinatak at binuhat papunta sa pintuan, pinagpatong patong ko ito para matabunan ang pinto at walang magtangkang pumasok. Matapos ay lumapit ako kay Yanna. Nilagay ko ang mga natirang box sa pwesto kung nasaan ang butas, nang matapos ay pinauna ko ma siya na makaakyat. Papasok nako ng butas ng marinig ko ang kalabog mula sa labas. Agad agad akong pumasok at sinara ang butas.
"Ayos ka lang?" Tinignan ko siya.
"I'm fine" sabi niya pero dama ko ang takot sakanya. I hug her.
"Shhhhh everything will be fine, don't worry I'm always by your side" I kiss her forehead "let's go" she nods.
Nasa kalagitnaan kami ng pag gapang ng may mapansin ako, yung butas na nasa bandang kanan namin ay banda sa cr, lumapit ako dun. Halos masuka ako sa itsura nito. Madami ng mga zombies dito.
"Ahhhhhh!" Napa-iwas ako ng tingin ng sungaban ng isang zombie ang babae na nagtangkang magtago sa isang cubicle, sinakmal niya ito sa leeg at kinain ang ilang parte nito. Ano na bang nangyayari?
"Zin" nabalik ako sa sarili ng tawagin ako ni Yanna, kinumpas niya ang kamay niya na tumuloy na kami sa pag-gapang, tumango nalang ako at pilit inaalis sa isip ko ang nakita kong kaganapan kanina. Nag-focus nalang ako sa pagtakas namin.
BINABASA MO ANG
Apocalypse Of The Undead
HorrorThe distraction of our whole town Blood, fire, and tears. They all surround us. From death, they rise, They eat humans, They kill us. Who saves us? Who will fight for human freedom? Will the Zombies win or humanity will fight and fought them Let's j...