"Zin POV"
"Akyat" napatingin kami sa taas, yung nagligtas samin kanina. May ibinaba siyang lubid, unang umakyat si mids tapos nagsunod sunod na, ako nalang ang nasa ibaba.
"Umakyat kana Zin"
"Ito na" sabi ko at agad na umakyat.
*grekk
Agad akong napakapit sa isang baitang ng hagdan na bakal.
"Zin" tiningala ko sila.
"Kaya ko 'to, mag antay kayo" pilit kung inaahon ang sarili ko, sh*t ang bigat ko, kasi naman sino bang nagpa tunog ng wang wang.
"Kamay" huh? "Bilisan mo kung gusto mo pang mabuhay" nakalahad ang kamay niya pero nakatingin siya sa dereksyon kung saan kami galing kanina, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dagsa ng mga Zombie, agad akong humawak sa kamay niya.
"Ang bigat mo, ano ano bang kinakain mo?"
"Tsk"
"Zin" tumulong na sila mids kaya naka ahon nako.
"Shhhh" napatingin ako sakanya kaya nagsalubong ang paningin namin, nagkatitigan kami ng ilang minuto bago ako nag iwas ng tingin, sh*t naman "walang maingay" sabi niya, mabilis na dumaan ang mga Zombie sa'min, bawat madaan samin pigil hininga ako, parang sinasakal ako.
"Calm down" parang ganon kadali ah, halos hindi ko na nga maramdaman ang sarili ko sa kaba "tsk calm down you scaredy cat"
"What!"
"Shhhhhh!" Sita sakin nila Klent.
"Iniinis talaga ako ng isang 'to" susugod na sana ako ng bigla akong hawakan nila Klent at Mids "bitawan niyo 'ko" nagpupumiglas ako.
"Zin tumigil ka"
"Babae yan pre, tsaka bakit ba ang init ng ulo mo ngayon" nabato ako dahil sa sinabi niya. Tinignan ko yung babae.
"Tapos na kayo?" Tsk.
"Salamat nga pala sa pag-ligtas mo sa'min"
"No problem, saan nga pala kayo papunta?" Sumilip nalang ako sa baba, wala na yung mga Zombie.
"Pupunta kami dun sa shop sa tapat para kumuha ng pwedeng pang laban" sagot ni Klent.
"Mukha namang safe kayo sa loob bakit pa kayo lumabas?" Humarap na ako sa kanya.
"Sa ngayon oo, pero sa mga dadating na araw hindi na namin alam, kaya mas maganda na handa kami" na uurat na'ko sa kanya.
"Saan naman kayo pupunta pag kalabas niyo d'yan?"
BINABASA MO ANG
Apocalypse Of The Undead
HorreurThe distraction of our whole town Blood, fire, and tears. They all surround us. From death, they rise, They eat humans, They kill us. Who saves us? Who will fight for human freedom? Will the Zombies win or humanity will fight and fought them Let's j...