CHAPTER 26

5 1 0
                                    

"McKenzie POV"

Matapos ang pagpupulong ay nag silabasan na kaming lahat, pabalik na sana ako sa pamilya ko ng tawagin ako ni Fred.

"Nel"

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko dito.

"Kung maiiwan tayong lahat dito sinong mangangalaga sa mga anak natin?" Nabato ako dahil sa sinabi niya, tama siya. Napaisip ako.

"Pwede tayong magpadala ng isa sa mga heneral na maaaring magpalaki at mangalaga sakanila" saad ko.

"Kakausapin ko ang pinuno" saad nito.

"Sasamahan na kita" nabigla naman siya dahil sa sinabi ko.

"Ako na Nel, bumalik kana sa pamilya mo"

"Matagal na kitang kaibigan Fred, alam ko ang takbo ng isip mo" ngumisi lang ang loko at umuna na sa paglakad papunta sa opisina ng pinuno, sumunod ako at hindi nagpahuli. Kumatok siya ng tatlong beses at binuksan ang pinto.

"Sir" sambit nito.

"Oh ikaw pala Fred, halika at pumasok ka" sagot ng nasa loob, agad namang pumasok si Fred kaya sumunod na ako "at kasama mo pa si Nel, anong sa atin?" Agad na tanong nito. Lumapit muna kami at naupo sa katapat nitong upuan.

"Hindi ba at nagbabalik tayo na ipadala ang mga bata sa Ilo-Ilo at bakuran iyon?" Tumango tango naman siya "sino naman ang manga-ngalaga sakanila sa loob?" Tulad ko ay napaisip ang pinuno.

"Kung wala pa ay nais kong ipresinta ang sarili ko, upang gabayan at pangalagaan sila" sinasabi ko na ito ang gusto niyang mangyari.

"Ikaw Nel, ano sa palagay mo?" Sabay tingin nito sa akin.

"Ako? Mas gusto ko yung alam ang Ilo-Ilo at talagang pangangalagaan sila at ituturing anak"

"Kung ganun sino ang gusto mong makasama nila?" Tinignan ako ni Fred na animo ay nagmamakaawa. Kilala ko si Fred, mabuti naman siyang tao subalit masyado siyang tiwala sa pinaniniwalaan niya at kung minsan ay nagiging sanhi ito ng hindi magandang pangyayari. Tumingin ako kay pinuno.

"Si General Naoki, Sir" nagtataka naman ito.

"Si Naoki? Teka bakit si Naoki" tanong ni Fred.

"Kilala kita Fred at ayokong malagay sa kahit anong kapahamakan ang mga bata at isa pa alam mo yan pinuno" tumango tango naman ito.

"Tama si Nel, ilang beses ko na din nakikita si Naoki kung paano pangalagaan ang mga anak niyo at animo ay tinuturin niyang kanya. May tiwala ako sa desisyon mo Nel pero kailangan pa rin natin itong ipulong sa iba" tumango tango naman ako.

"Kayo po ang masusunod pinuno" tumingin ako sa katapat ko at tahimik lamang ito, may binabalak ang isang to.

"Fred, may nais ka pa bang sabihin?"

"Wala naman na po pinuno" saad nito. Tumingin ako dito at tumango.

"Mauuna na po kami pinuno"

"Sige Nel, pag uusapan muna namin ang nilatha niyo sa akin at ipatatawag ko na lamang kayo pag may balita na" tumayo na ako at sumaludo ganun din si Fred.

Matapos naming makalabas sa opisina ng pinuno ay agad na akong lumakad pabalik sa kwarto kung nasaan ang pamilya ko, pagbukas ko palang ng pintuan ay bumungad na agad sa akin si Zin at ang ilan sa mga kaibigan niyang sila Midnight, Red, Blue, at Klent.

"Zin" tawag ko dito, tumingin lang ito at timango. Ano Isa na siyang ganap na binata at naiintindihan ang bawat pangyayari.

"Tito" tumayo ang mga Kasama niya at nagmano sa akin.

"God bless mga bata, nag sikain na ba kayo?" Tanong ko sakanila at siya namang kinailing nila.

"Hali kayo at maghahanda Ako ng meryenda" sumilay naman ang tuwa sa mga mukha nila.

"Zin, halika na" tawag ko sa anak ko na animo ay kinakalkula ang lahat. Madalas napapa isip ako kung saan nagmana ang batang ito. Madalas siyang ganyan at kung minsan ay napaka lalim nitong magsalita.

Lumakad na Sila papuntang kusina at nagkanya kanya silang upo sa lamesa. Binuksan ko ang tv at nilagay sa pambatang palabas tsaka ako gumawa ng meryenda nila.

Makalipas ang kalahating oras ay tapos ko nang lutuin ang pancakes na kanilang meryenda.

"Maiwan ko muna kayo dito dadalhin ko lang ang Tita niyo ng meryenda niya"

"Opo" sagot nila habang ang mga mata ay nasa pinanonood.

Habang naglalakad papunta sa silid ng Asawa ko ay bitbit ko ang tray na may lamang pancakes at apple juice. Wala ng katok katok ay binuksan ko ito at sumalubong sa akin ang isang napaka gandang babae.

"Hon" masigla itong ngumiti sa akin kaya agad agad akong lumapit dito, inilagay ko sa bed side table ang tray at binigyan siya ng halik sa labi at niyakap ng mahigpit.

"Hon, may nangyari ba?" Hindi ako sumagot at niyakap nalang siya.

"Wala naman Hon, na miss lang kita. Ito may dala akong meryenda. Kumakain na din ang mga bata sa kusina. Pagdating ko kasi kanina nanjan sila Klent kaya pinagluto ko muna sila pati na rin kayo ni Zin" she smile, her sweet smile that I will miss. Sa ngayon ayoko muna Sabihin sakanila gusto ko muna manganak ang Asawa ko na walang stress at iniisip. Inabot ko na sakanya ang tray at sinimulan naman niya itong kainin.

"Hon, may problema ba?" Bigla naman akong nabalik sa wesyo "kanina ka pa tulala"

"I'm fine Hon, iniisip ko lang kung papaano tayo makakatulong sa ibang mga nasa labas natin" nag iba naman agad ang mukha niya. Ang kaninang masaya at buhay ay napalitan ng pangamba at takot.

"Ano na bang sitwasyon sa labas?" Tanong nito.

"Sa ngayon wala pa kaming Balita pero mamaya babalik ang mga inatasan na magmasid at dun palang kami gagawa ng hakbang para mailigtas ang ibang tao"

"Hon, mangako ka na hindi mo kami iiwan ng mga anak mo" humawak pa ito sa braso ko.

"Oo, Hon. Hinding hindi ko kayo iiwan. Kayo ang Buhay ko, ang pamilya ko" ngumiti naman ito at ginawaran ako ng mahinhing halik.

"Dad" bahagya akong napalayo sa Asawa ko at tinignan ang anak kong nasa pintuan.

"Yes, Zin?"

"Something happened outside, check it" agad agad akong tumayo at tumakbo sa kusina kung nasaan sila. Nag linga-linga ako pagkarating ko doon at nakita silang mga nagtatago sa mga sulok ng kusina.

"Anong ginagawa niyo jan, hali kayo rito"

"Kasi Tito nakakatakot ang nasa Balita " Saad ng batang si Blue.

"Oo nga Tito" saad naman ni Midnight. Tinignan ko ang TV at nakita ang ilang Zombie na kumakain ng tao at ang iba naman ay nagtatakbuhan para makaligtas. Pinatay ko ito.

"Bakit niyo po pinatay?" Lumingo ako sa nagsalita at nakita si Klent na prenting naka upo at tila nadismaya ng patayin ko ang Tv.

"Hindi para sa mga bata ang palabas na iyun, mag si laro nalang muna kayo sa park" Sabi ko at nag labasan silang lahat.

Nilinis ko muna ang kusina, kasama na ang sala at ibang bahagi ng Bahay.

"H-Hon" agad agad akong tumakbo sa Asawa ko at naabutan itong nakatayo habang may tumutulong tubig sa pagitan ng kanyang mga hita.

Manganganak na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Apocalypse Of The UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon