"Ako na sasama, Zin" tumingin ako kay Tito.
"Gusto din kitang makausap"
"Sige po, Tito" inalalayan ko si Persephone patayo. Naglabasan na din sila kaya sumunod na kami.
"Hades" tinignan ko siya.
"Bakit?" Tanong ko pero umiling lang ito at sumandik sakin "masama ba pakiramdam mo?"
"Hindi, gusto ko lang sumandal" nangiti naman ako sa ginawa nito. Nakalabas na kami ng conference room at natipon kami sa labas nito.
"Guys, mauna na kami" paalam ko.
"Gusto ka pa sana namin makausap" tumingin ako kay Persephone, ngumiti lang ito sakin.
"Mamaya nalang, magpahinga muna tayong lahat" saad ko na ikinatango naman nila "paano mauna na kami" inalalayan ko na pababa si Persephone, nasa unahan namin si Tito.
"Hades, ako nalang maglalakad" hinayaan ko nalang siya. Sabay kaming naglalakad. Nakarating kami sa ground floor.
"Kukunin ko lang ang sasakyan ko, medyo malayo layo pa ang building natin"
"Sige, Tito" umalis na ito, tinignan ko ang kasama ko na umiikot ang paningin sa kabuuan ng ground floor.
"Mahal?" Tawag ko dito, tumingin naman ito sakin "may problema ka ba?" Mabilis itong lumapit sakin.
"Nagugutom ako" nakanguso nitong sabi, kinagat ko ang labi ko para pigilang matawa "mamaya nalang pagdating natin dun" ngumiti ako dito.
Napalingon ako sa labas dahil sa nag-busina, nag-baba ito ng salamin ng sasakyan at kumaway sakin, si Tito. Hinatak ko ni si Persephone papunta sa sasakyan ni Tito, binuksan ko ang pintuan sa likod at pinasakay siya.
"Sa unahan lang ako" tumango siya. Binuksan ko ang pintuan sa unahan at sumakay. Pinaandar ni Tito ang sasakyan, namutawi ang katahimikan, hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Masaya ako sayo Zin at sa magiging pamilya mo, sigurado ako masaya na din si Yanna kung nasaan man siya"
"Tito"
"Nais ko sanang malaman kung paano kayo nakarating dun at kung paano ka nakaligtas" sumilip muna ako sa likod at nakitang nakatulog na si Persephone.
"Papunta dapat kami sa banyo para maghilamos si Yanna, kaya lang palapit palang kami ng may marinig kaming sigawan at kalabugan. Nang may maramdaman akong kakaiba nagtago kami agad sa madilim na sulok, at tama kami ng hinala na mga zombie yun dahil dumaan sila samin. Nang makalagpas sila ay hinatak ko na siya, nakarating kami sa isa sa mga storage room namin. Hinarang ko ang mga kahon para walang makapasok, may butas sa itaas na siyang dinaanan namin, kamuntikan pa kaming mapasok ng mga zombie buti nalang at nagawa naming makapasok agad, halos karamihan ng madaanan namin ay may mga zombie na"
BINABASA MO ANG
Apocalypse Of The Undead
HorrorThe distraction of our whole town Blood, fire, and tears. They all surround us. From death, they rise, They eat humans, They kill us. Who saves us? Who will fight for human freedom? Will the Zombies win or humanity will fight and fought them Let's j...