"Hades POV"
"They are-Hades" I look at my wife.
"Wag dito"
"Halina kayo at dun tayo sa conference room mag-uusap" lalakad na sana sila nang tawagin ko si Tito.
"Tito" lumingon naman agad ito "pwede po bang ako nalang ang sasama, nais ko pong makapag-pahinga ang mga kasama ko" ngumiti ito sakin
"Salvador"
"Sir" lumapit sakanya yung Salvador at sumaludo.
"Paki-samahan ang mga kaibigan ni Zin sa building kung saan ang mga bata ko, ipa-ukupa mo na ang nalalabing mga kwarto roon"
"Salamat po" sabay sabay kaming nag-pasalamat at natawa sila dahil doon.
"Sige na nang makabawi kayo" saad ni Tito, tinignan ko sila tsaka ngumiti.
"Chasers, you may go" sumunod sila kay Salvador. Napatingin naman ako sa katabi ko.
"Bakit hindi ka pa sumama?"
"Wala ka pa dun eh" napangiti ako ng nakanguso niyang sinabi yun. How cute she is. Ganito pala mag lihi ang mga babae, madalas moody. Kung hindi galit iyakin naman, hays buhay nga naman.
"Let's go" saad ni Dad. Nauna na sila at kami ang nahuhuli.
"Walang elevator dito kaya kailangan umakyat talaga kayo" napa-tingala ako, mukhang mahihirapan si Persephone umakyat kaya naman ay lumuhod ako.
"Sakay na"
"Hindi na, Hades. Nakakahiya"
"Ayaw kong napapagod ka kaya sakay" wala na siyang nagawa kaya sumakay nalang sa likod ko. Hindi naman siya ganoon kabigat. Naramdaman ko ang ulo niyang humiga sa aking likod. Inaantok siya.
Nasa 3rd floor na sila at kami ay paakyat palang doon. Nag angat ako ng tingin at nagtataka dahil sa mga tingin nila at ngisi.
"Bawal mapagod ang buntis kaya manahimik kayo" saad ko.
"Kuya, she's asleep"
"Shhhhh let her sleep" ngumiti naman ng kapatid ko kaya nagpatuloy nako sa pag-akyat.
Nang makarating kami sa tapat ng conference room ay agad itong binuksan ni Azhia, sabay sabay kaming pumasok, umupo si Shemai malapit kay Dad kaya naman ay lumapit ako doon at inupo sa upuan ang tulog kong asawa, ni hindi ito nagising, isinandal ko siya sa sandalan ng upuan at hinayaang makatulog. Tumayo ako sa likod nito at inantay sila Tito na magsimula.
"Zin, maupo ka" nag-angat ako ng kamay.
"Hindi na Tito, sanay ako sa ganito" tumango lamang ito.
BINABASA MO ANG
Apocalypse Of The Undead
Kinh dịThe distraction of our whole town Blood, fire, and tears. They all surround us. From death, they rise, They eat humans, They kill us. Who saves us? Who will fight for human freedom? Will the Zombies win or humanity will fight and fought them Let's j...