CHAPTER 25

0 0 0
                                    

"McKenzie POV"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"McKenzie POV"

"It's a girl" malakas na sigaw ng isang malamyos na tinig. Agad akong tumakbo sa Sala at nakita ang mag Ina ko na magkausap.

"Hon" agaw pansin ko dito. Tumayo agad ito at namewang.

"Oh? May gana ka pang umuwi?" Taas kilay nitong saad. Napakamot nalang ako sa ulo. Lumapit ako dito at masuyong hinaplos ang malaki nitong tiyan.

"Sorry baby natagalan ng uwi si Daddy, what do you want for dinner?" Nag angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang maluha luha nitong mga mata. Sinungaban ako nito ng yakap sabay siksik sa leeg ko. Ganito talaga siya magbuntis kaya nga nakakatuwa.

"Are you okay now?" Tanong ko dito, naramdaman ko naman ang marahan nitong pag tango. Niyakap ko pa ito ng mahigpit.

"What do you want for dinner?" Pag-uulit ko sa tanong.

"I want sushi and onigiri"

"That's not dinner Hon"

"But I want those" nakanguso nitong sabi.

"Okay okay, I make those and you Zin?" She named Zin because of the character she love from a book at syempre galing din sa pangalan ko.

"I want ramen" he cold reply. Minsan nagtataka nalang ako saan ba nagmana ang batang to, minsan normal madalas malamig.

"Okay okay, I make dinner just wait for it" tumango naman agad ang asawa ko at bumitaw. Agad akong tumungo ng kusina at gumawa ng hapunan namin. After an hour natapos ko din.

"Hon! Zin! Kakain na" sigaw ko para madinig nila ako, pero walang sumasagot kaya naman pumunta ako sa Sala at nakita silang nanonood ng tv. Lumapit ako sakanila at marahan silang tinapik.

"Kakain na tayo" sabay silang tumingin na ani mo'y ayaw tapusin ang panonood ng balita. Ngumiti ako.

"Sa dinner table na kayo manood bubuksan ko nalang ang tv" agad naman silang tumayo, naiiling iling akong pinatay ang tv sa sala at agad na pumunta sa dinner table.

Pagdating ko ay nakita ko silang nag-aantay, sinaksak ko agad ang plug ng tv tsaka ito binuksan at naupo sa pinaka gitna. Nilagay ko agad sa channel na pinanonoodan nila kanina.

"Sige na kumain na kayo" agad naman nilang sinimulan ang pagkain sa ginawa ko.

"Ayun sa DOH muling tumataas ang kaso ng sakit na ito at halos hindi na din ma kontrol ng mga kasundaluhan ang lakas ng mga may sakit" napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko iyun.

Nakalagay sa isang kulungan ang mga may sakit at balot ang mga ito ng dugo at halos nalulusaw na ang mga balat nito sa mukha. Anong nangyayari?

Kakaiba ang pakiramdam ko dito. Tinignan ko ang dalawa at tulala lang sila.

"Hon, Zin?" Tumingin sila sakin at agad na tumayo at yumakap sakin.

"Dad, wag mo kaming iiwan ah"

"I will not"

"Gusto ko nasa tabi kita habang nanganganak ako"

"Yes, Hon. I will asure it"

"Karamihan ng tao ay inilalayo na sa mga may sakit, ayun sa mga nakausap natin ay kumakalat ito sa pamamagitan ng hangin kaya pinag iingat ang lahat. Ang mga sintomas nito ay pananakit ng ulo, kakaibang sakit ng katawan, pagsusuka ng dugo at maging ang pakiramdam na animo ay gusto mong magwala. Kung kayo ay nakakaranas nito mangyari lamang na tumawag sa ating awtoridad upang malunasan kayo agad" nilipat ko agad sa ibang palabas ang tv. Nanood nalang kami ng mga cartoons. Medyo kumalma naman sila at kumain na. Pagkatulog nila aayusin ko ang basement na may passage papunta sa hideout namin. Kailangan naming mag ingat dahil malapit na manganak ang asawa ko.

Tumayo ako habang nanonood pa sila. Lumapit ako sa salaming bintana at pinagmasdan ang labas. Agad kong pinatay ang mga ilaw sa labas para dumilim ang bahay. Tumanaw tanaw ako sa paligid at nakita ng mga taong nagtatakbuhan. Lalabas na sana ako para tumulong ng makita ko kung paano kainin ng isang tao ang kapwa niya. Anong nangyayari?

Ito na ba yun?

Tinignan ko sila na himbing na sa pagtulog, akala ko kaya pa nilang umabot ng hating gabi pero mukhang hindi na, ngumiti nalang ako at una ko nang nilipat si Zin. Kinuha ko na Ang mga gamit namin at nilagay sa sasakyan. Sinarado ko na ang buong bahay at dadaan nalang kami sa secret passage na ginawa namin.

Hindi na ligtas pa dito.
Binuhat ko si Zin at dahan dahang ginising ang asawa ko.

"Hon, we need to leave" pupungas pungas siyang bumangon.

"Let's go" dahan dahan ko siyang itinayo at inalalayan.

"Where are we going?"

"Safe place, Hon" we walk to our car and put Zin at the back. Kailangan nako ng headquarters at dun ko sila iiwan for them to be safe.

After 30 minutes ay nakarating na kami sa HQ, agad ko silang dinala sa apartment ko.

"Hon, just wait me here. Nasa kabila lang sila Camille. You'll be safe here" I kiss her forehead.

I walk and close the door.

Halos lakad takbo na ang ginawa ko makarating lang sa meeting room. Nang makatapat na ako sa pinto ay agad ko itong binuksan. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Pumasok ako at agad na naupo sa pwesto ko.

"Okay, since nandito na ang lahat maaari na tayong mag umpisa" saad agad ng pinaka mataas sa amin. Ang kaninang may kaingayang meeting room ay naging tahimik

"Nabalitaan naman siguro ng lahat kung anong nagaganap sa maynila" nag si tango naman kami "sobra nang nakakabahala ang bagay na ito, dahil hindi na ito normal, kanina lamang habang nasa bahay pa kami ibinalita sa akin ng aming kasambahay na may nakita siyang mga taong nagtatakbuhan sa ilabas ng bahay at may mga taong humahabol at pilit silang kinakain" saad pa nito " hindi lamang ito basta basta sakit, ito na ang kinatatakutan ng nakararami isang outbreak, hindi na sila tao sila ay mga zombie na" bumigat bigla ang paligid at animo ay nasa isa kaming hearing.

"Kung ganun anong magagawa natin para makatulong?"

"Sa ngayon wala pa pero kailangan nating iligtas ang mga pamilya natin" tumingin ito sakin " McKenzie, alam ko manganganak na ang asawa mo sa mga susunod na araw, plano naming ilabas sila ng maynila at dalhin sa Ilo Ilo at mula doon ay magtatayo tayo ng malaking harang para hindi sila mapasok ng mga nilalang na kumakalat ngayon"

"Pero Si-wala nang pero pero, maiiwan tayong nandidito para hanapan ng lunas at paraan ang kumakalat na sakit, sa ngayon ang mga scientist natin ay gumagawa na ng paraan kung paano makakalikha ng antidote sa sakit na ito"

"Paano ang mga taong nakaligtas?"

"Tulad ng mga pamilya natin dadalhin sila sa Ilo Ilo o parteng mindanao para makaligtas sila"

"Sa ngayon iyan muna ang plano at magsuot kayo ng mask at wag munang lumabas ng HQ hanggat walang kailangang gawin sa ilabasa, mas safe tayo dito" sumang ayon naman kaming lahat. Tama siya mas ligtas kaming lahat dito.

Apocalypse Of The UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon