CHAPTER 16

6 3 0
                                    

"Azhia POV"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Azhia POV"

"Anak kita, Azhia" nabigla ako dahil sa sinabi niya, hindi ko maramdaman ang mga tuhod ko at parang gustong bumigay ng mga paa ko.

"Fred!" Sigaw ng isa pang lalaki na nakasuot ng katulad niya.

"Nel, Fred. Bumalik na nga muna kayo sa conference room at dun natin pag-usapan ito" sabi ng isang babae.

"Pero gusto ko na siyang maka-usap"

"McKenzie bumalik na kayo sa conference room" sigaw ni Tito na siyang nagpatigil sa lahat.

"Nao" mahinahong sambit ng McKenzie.

"Sinabihan ko na kayo na kakausapin ko sila bago ko kayo ipakilala, wag niyo naman pangunahan, alam niyong hindi biro ang napagdaanan nila, bakit ba ang kulit niyo" hindi ko na naiintindihan, gusto ko nalang mahiga dahil sa panghihina.

"Ate Azi, ayos ka lang ba?" Tanong ni Shemai, umiling ako. Lumapit siya sakin at ginabayan ako paupo, binigyan na din niya ako ng tubig. Nanginginig ako habang umiinom. Ang tensyon kanina na nasimulan namin ay humupa na.

"Sige na, nakiki-usap ako magsibalik na muna kayo sa mga opisina niyo at kayo mga bata pumunta na kayo sa conference room at may pag-uusapan tayo, kayo mga cadets bumalik kayo sa mga gawain niyo" sabi ni Tito.

"At sino ka naman para pag-sabihan kami ng ganyan, ni wala ka nga sa General line para sumunod sayo" hindi ba nila kilala si Tito?

"Sorry for not telling you, Cadet Heronimo, I'm General Naoki Herera from Bacolod" kita ko ang takot sa mukha nito at mabilis na yumuko. Deserve niya yan, masyado siyang mataas at matayog.

"Okay, kana Ate?" Muling tanong ni Shemai. Tumango ako at ngumiti ng bahagya. Medyo kumalma nako.

"Anak kita" umiling ako dahil sa pa ulit ulit nito sa itak ko.

"Sa conference room tayo mga bata" sumunod kami kay Tito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Klent habang naglalakad kami, tumango nalang ako at sumabay na kay Shemai. Ayoko muna siyang kausap.

Nakarating kami sa isang malaki ng silid.

"Maupo kayong lahat" kanya kanya kaming upo sa mahabang mesa.

"Alam ko marami kayong katanongan pero nais ko munang pasayahin kayo" ngumiti ito kaya nagtinginan kaming lahat "mga bata nais kong mailagay kayo sa ayos pero ipangako niyo na hindi kayo magagalit sakin lalo na sakanila"

"Para namang seryosong bagay ito, Tito" sabi ni Pola.

"Hindi lang seryoso, Pola. Mas higit pa dun" kinakabahan ako "sige na pumasok kayo" tumingin ako sa pintuang bumukas at lumabas doon ang lalaki kanina sa cafeteria at marami pang iba.

"Azhia" tawag sakin ni Tito, ngumiti ito sakin pero isang pilit na ngiti lamang ang naisagot ko "meet your father, Fred ang General ng Kasundaluhan" hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, masaya ako na hindi ko maipaliwanag.

"Anak" iba ang dating sa akin ng mga salitang yun. Ang tagal tagal ko nang nag-aantay ng tatay at hito na nga siya binibigay na sakin ng may kapal. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, yumuko ako para itago ang mga luha ko. Natutuwa ako at napakasaya, hindi ko maitago.

"Anak" naramdaman ko ang yakap nito na siyang nagbigay sakin ng kapayapaan. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko kasabay noon ang pagyapos ko ng yakap sa aking Ama.

"Patawarin mo ko anak, nagawa ko lang naman ang mga bagay na yun para sa kaligtasan mo at kaligtasan niyong lahat"

"Naiintindihan ko, A-Ama" inalis nito ang pagkakayap sakin at pinunasan ang mga luha ko.

"Tumahan kana, hindi na ako papayag na mawala ka pa sakin, anak" ganito pala kasarap na may tinatawag kang Ama.

"Ellie" napatingin kaming lahat sa babaeng tumawag kay Ell, may kasama itong lalaki.

"Ell, sila ang mga magulang mo, si Camille at Elton" tulad ko ay niyakap din niya ang kanyang mga magulang niya.

"Midnight, si Proyo ang Ama mo" ganon din ang ginawa ng lalaki, hindi man halata sa mukha ni Midnight ang saya pero ramdam ko yun.

"Josephine" pumasok ang isang magandang babae "Klent siya ang Ina mo" nakakatuwang pagmasdan ang mga kaganapan ngayon.

"Polaris at Luna, sana mapatawad niyo ako dahil matagal kong itinago sainyo ang totoo" nagtinginan kaming lahat sa dalawa, halos wala silang idea kung bakit "magkapatid kayong dalawa at si Leonard ang inyong Ama" Hindi mo akalain yun, malaki ang pagkakahawig ng dalawa pero magkaibang landas ang tinahak nila.

"Peggy, si Prenela ang iyong Ina"

"Red, batiin mo naman si Ren, siya ang nanay mo" Red's true name is Real, Red is his nickname.

"Aishen at Blue, si Melinda ang nanay niyo" tuloy tuloy lang si Tito sa pagbabangit ng mga pangalan, napatingin ako kay Shemai at halos kita ang lungkot sa mukha niya.

"Tucker, meet your father Vergara" tumingin lang si Tucker dito pero nilapitan siya nito at niyakap. Alam naming lahat na si Tucker ang may pinaka matigas ang puso at ugali pero natutuwa ako sa nakikita ko ngayon. Niyakap siya ng tatay niya at ganon din ang ginawa nito. Halatang sabik kaming lahat dahil siguro sa tagal na pangungulila.

"Solar, Moon kayong dalawa ay magpinsan, ikinalulungkot kong sabihin na wala na anga magulang niyo pero buhay pa ang kapatid nila. Hera sila ang mga pamangkin mo" yan ang mga bagay na talagang ikakagulat namin.

"Zaimin Leaf, Hia, Sofia, Jara, Khione, Alex, Castiel, Cyrus, Apollo, Athanasius, Domenus, Artemis, Kristina, Sunny, Taishi, Prince, Uno, Dos, Joanna, Amaris, Erin, Winter, and Wyneva, kayong lahat ay galing sa ampunan na pinangangalagaan ni Mother Helena, ibinigay nila kayo sakin para alagaan at ilayo sa gulo. Wala man kayong magulang na kadugo niyo pero nandito kami para maging magulang sainyo" napangiti ako sa sinabi ni Tito. Lumapit silang lahat kay Tito at niyakap siya.

"Shemai" tumingin ako dito "meet your father, Zinel Shemrui McKenzie Navy Chief" agad namang lumapit ang lalaki at niyakap si Shemai ng mahigpit.

"Shemai" nagulat kaming lahat ng tumayo ito at tumakbo sa kung saan, sumunod naman ang tatay niya. Tatayo na sana ako ng biglang magsalita si, Tito.

"Hayaan niyo muna sila, nagulat lang siguro si Shemai, pero alam ko na maayos din yan" huminga nalang ako ng malalim at pinakalma ang sarili.

"Anak Azhia. I'm happy na kasama na kita" ngumiti ako kay Ama, hindi ko alam na ganito pala ang bubungad sa amin sa pinaka Sentro.

"Sa ngayon nais kong mas makilala niyo pa ang mga magulang niyo, bibigyan namin kayo ng palugid at sa mga susunod na araw ay ilalagay na namin kayo sa mga tamang squad para sainyo" saad nito. Ayoko nang malayo sa mga kasama ko, nais kong makasama sila hanggat nabubuhay ako.

"Bukas ko na din ipapaliwanag ang mga kailangan niyo pang malaman, hanggang dito nalang tayo. Meeting adjourned" tumayo na kami at lumabas ng conference room.

"Nak, gusto kong lumabas muna tayo kahit sandali"

"Opo, Tay. Gusto ko din po" malawak na ngiti ang sinukli nito at hinatak na ako kung saan.

Sa ngayon masaya nako sa ganito. Alam ko na hindi pang-matagalan ang ganito at permanente lang pero gusto ko namnamin ang bawat segundo na kasama ko ang tatay ko.

Apocalypse Of The UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon