CHAPTER 18

4 2 0
                                    

Nagmamadali kaming umakyat sa pinakataas ng national headquarters

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagmamadali kaming umakyat sa pinakataas ng national headquarters. Pagkarating namin sa 3rd floor ay nakita ko sila Ate Azi sa labas ng conference room.

"Ate Az, anong meron bakit nagmamadali sila?" She looks frightened.

"Alam mo ba yung dinaanan natin papasok dito?" I nod "Pinasok ng mga zombie, na ambush sila ng mga zombie na kayang maging tao"

"WHAT?!"

"Nagpahanda na sila ng troupes na proprotekta sa mga nakatira dun at sinara na nila ang ilang bahagi ng lugar na yun maging ang kalapit na barangay, inilikas na din ang mga taong naninirahan dun at ilalagay sa isang close area"

"Ano bang magagawa natin para makatulong?"

"We need to wait for their command, hindi tayo pwedeng mapahamak lalo na at buhay ang mga parents natin" I nod.

"Sabi ni Tito kakausapin niya tayo mamaya pagtapos ng meeting nila" sabi ni Pola.

"Anong nangyayari?" Biglang tanong ni Klent na kararating lang.

"Ambush" tipid na sagot ni Red.

"Wala ba tayong magagawa?"

"Sa ngayon wala, antayin natin sila Tito" sagot ni Solar.

"Tama sila, wait for further instructions," Tucker said and leave. Mas lalong naging cold si Tucker since nakilala niya ang magulang niya. I don't know why but soon I will talk to him about that matter, for now, mas kailangan naming mag focus dito.

Ilang oras na kaming nag-aantay dito sa labas pero until now wala pa ding lumalabas sakanila galing sa loob.

*Wangggggggg

Napatakip ako ng tainga ng marinig ang malakas na Serena.

"Anong nangyayari?" Tanungan naming lahat pero walang makasagot. Habang kasagsagan nang pagtunog ng Serena ay bumukas ang pintuan at inilabas nito ang aming mga magulang. They are all worried.

"Pumasok kayo" malakas man ang serena ay naiintindihan namin ang sinabi ni Tito. Pagpasok sa loob ay wala kaming serena na naririnig. Nababalot ng tensyon ang buong kwarto. Ang mga magulang namin ay nakatayo sa aming likuran.

"Hindi namin kayo gustong isali sa laban pero kulang na kulang tayo ng lalaban para mailigtas ang nakakarami, nais kong humingi ng tawad sainyong lahat dahil sa naging desisyon ko"

"No, Tito. We are fighters, nabuhay kaming buhay ang sinusugal bawat minuto, Hindi mababago ng kung ano kami ngayon ang kung ano kami noon, we can fight Tito" Ate Azi "are you all with me?" I stand and raise my fist.

"I'm with you" ngumiti ako kay Ate Azi.

"I'm in," Klent said.

"Sama kami" they all rise and raise their fist.

Apocalypse Of The UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon