CHAPTER 10

8 2 0
                                    

"Azhia POV"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Azhia POV"

Isang taon na din ang nakalipas simula ng mapasok ng mga zombie ang bayan namin, ngayon paikot ikot nalang kami at pakunti ng pakunti. Halos maubos na kami dahil sa pagpunta namin sa iba't ibang lugar at bawat mapuntahan namin ay nadadaan sa malaking paghihirap.

"Shemai" tawag ni Ell. Nakatanaw na naman sa malayo si She, hindi ko siya masisisi dahil mahirap ang pinagdadaanan niya, nawalan siya ng kaisa-isa niyang pamilya. Isang taon na din simula ng huli naming makita si Zin at hanggang ngayon wala pa din kaming alam kung buhay pa ba siya o kabilang na sa mga zombie na nag-iikot sa buong bansa.

"She" si Pola naman ang tumawag, nilapitan ko sila, umiling ako.

"Hayaan muna natin siya" mapakla akong nangiti. namatay din kasi ang nobyo niya nong paalis na kami sa kalapit bayan ng bayan namin. Binuwis nito ang buhay para sakanya. Napaka swerte niya.

"Azhia, tawag tayo ni Tito" biglang sulpot ni Midnight sa kung saan.

"Sige susunod nako" tumingin muna ako kila Ell at Pola, sinenyas ko si Shemai at mukha namang nakuha nila dahil mga nag thumbs up sila. Iniwan ko na sila at pumunta sa kwarto kung nasaan si Tito.

Nasa isa kaming lumang building, safe dito dahil sa mga harang sa labas pero kailangan pa din namin umalis dito as soon as possible.

Mga mata nila ang unang bumungad sakin pag-pasok ko ng silid.

"Maupo kana" walang sagot sagot ay umupo ako sa upuang katabi ni Klent at katapat ni Midnight, sa tabi ni Midnight ay si Jara kasunod sila Luna, Leaf, Tucker, Red, Blue at Solar.

"Pinatawag ko kayo dahil sa gagawin nating force evacuation ngayong gabi" mabilis kong nilingon si Tito dahil sa sinabi niya.

"Bakit po?" Tanong ni Solar.

"May nagbabadya na kumpol ng mga Zombie papalapit satin, ang tantiya ng mga kasama ko ay makakarating sila dito within 2 days pero para sigurado ay kailangan na nating umalis, at isa pa ay mukhang may mga isip ang mga ito" napalunok ako sa sinabi ni Tito, kung ang mga zombie nga sa labas mahirap na patayin paano pa kaya ang may isip?

"Anong plano, Tito?" Tanong ni Klent.

"Klent ang squad mo ang bahala sa mga gamit at defense. Azhia kayo naman sa mga pagkain at tubig. Solar, Leaf at Luna for safety, and medicine supply kayo. Midnight at ang squad mo ang bahala magbantay sa labas. Red, Blue, Tucker at Jara kayo naman bahala sa mga armas. The rest mauuna na sa sasakyan para mas mabilis tayo. The first unit na aalis ay sila Shemai kasama ka Azhia since kayo naman ang may hawak ng mga importanting kailangan ng lahat, kasama niyo sila Tucker, Jara, Red at Blue na aalis. Sila na bahala sa mga armas. Klent kayo naman ang sasabay sakin papunta sa bago nating kuta" tango lang aming naisagot. Ang mabigat na atmospera ang nagpapatahimik sa aming lahat, ang bigat at takot ng aming mga responsibilidad ay nakasalalay sa kamay naming mga naging leader, ang bawat squad ay pinamumunuan ng isa o tatlong leader. Ginawa ito ni Tito para magkaroon ng kaayusan at pagkaka-isa. Mas mabilis kasi kung mahahati kami ng gawain.

Ang first squad ay ang grupo ni Klent na siya mismo ang namumuno, dahil sa husay at galing niya sa pakikipaglaban ay ginawa siyang defense ni Tito, kasama niya dito sila Domenus, Castiel, Cyrus, Athanasius at Apollo. Bawat isa sakanila ay may iba't ibang alam sa pag gamit ng mga armas. Ang second squad naman na hawak ko ang namamahala sa pagkain, tubig, at kasuotan, kasama ko dito sila Pola, Ell, Shemai, Hia at Aishen na kapatid ni Blue. Sa third squad naman na hawak nila Leaf, Solar at Luna ang may hawak ng medisina, kasama nila dito sila Kashari, Sachi, Peggy, Sofia, Alex, Artemis, Kristina, at Khione. Sa fourth squad naman ay pinamumunuan ni Midnight, ang papel nila ay magbantay sa loob at labas ng hideout, dito siya nilagay ni Tito dahil sa pagiging mabusisi nito at mapaghinala sa bagay bagay, kasama niya dito sila Sunny, Taishi, Prince at ang kambal na Uno at Dos. At ang last squad ay sila Tucker kasama niya sila Jara, Red, Blue, Erin, Joanna, Amaris, Erin, Winter at Wyneva, sila ang humahawak ng mga armas, pampasabog at toka sa pag-aayos ng mga makina.

"I declare the meeting adjourned" tumayo ito kaya sumabay kami, sumaludo siya at siya ring ginawa namin. Umaandar ngayon ang pagkakaisa at militar dahil mga kaganapan "before we all leave sasabihin ko na kung saan tayo papatungo" tumingin ito sa amin lahat "binubuksan ng NCR ang kanilang tahanan para maging huli nating tahanan, malakas sila sa armas, may malalakas na pundasyon at maayos na pamumuhay sa loob ng kanilang nasasakopan, dahil isa ako sa mga heneral ay pumayag silang dalhin ko ang aking mga nasasakopan upang lumaban kasama nila" namutawi ang katahimikan sa aming lahat.

"Hindi ho ba masyadong malayo ang lagay natin sa posisyon nila?"

"Pagpasok natin ng Luzon ay may gagabay na satin na mga sundalo mula sa kanilang pangkat, mas ligtas tayo dun kesa iniikot natin ang buong Visayas at Mindanao pero wala naman tayong kaligtasan, halos maubos na din tayo dahil sa mga ginagawa natin. Ngayon isipin naman natin yung buhay na natitira, gusto kong maranasan niyo pang mabuhay sa makabagong mundo matapos ang apocalypse na ito" nakakahabag man ay tama si Tito, wala na kaming pamimilian kaya naman sumang-ayon nalang kami.

Sumapit na Ang dilim at ilang sandali na lamang ay aalis na kami sa lugar na ito.

"Tito, handa na po ang lahat"

"The other squad?"

"Handa na din po" sagot naming mga leader.

"Kung ganon ay magpahinga na muna kayo ng panandalian, ilang oras nalang ay kikilos na tayo, sa loob na lamang tayo ng Luzon magkita kita o sa mismong kampo nila, ang mga radyo niyo ay buksan pagpasok niyo sa kampo para magbigay ng mga signal sa bawat isa"

"Aye!" Sigaw ng iba.

"Shhhhh" napabungis-ngis nalang si Tito. Naupo ako sa isang sulok at ipinikit ang mga mata. Dahan dahan akong nilamon ng dilim.

"Azi" nagising ako dahil sa mahinhing pagtapik sa aking balikat. Kinusot kusot ko ang aking mga mata. Tinignan ko siya.

"Oras na" tumango ako at tumayo tsaka nag unat. Sinundan ko na si Ell, sinalubong ako ni Tito kasama ang iba.

"Azhia, bilang isang mataas na leader, inaasahan ko ang tagumpay niyong pagdating sa Luzon" tumango ako at sumaludo. Humilira silang lahat, kaya isinuot ko ang sombrero ko at lumakad ng nakasaludo, ganon din ang squad ko at ni Tucker. Nang makarating kami sa dulo ng pasilyo ay nagbalik tanaw kami sakanila. Magkikita rin tayong lahat, hanggang sa muli.

Sumakay na ako sa isang military truck, nasa tabi ako ni Tucker na siyang nagmamaneho, sa likod ko ay si Shemai at Jara. Ang nasa labas naman ay ang iba, kasunod naman namin sila Blue na Ang dala ay mga armas, nasa amin naman ang mga pagkain at tubig, may dala din kaming binhi.

Makalipas ang ilang oras na byahe ay narating na namin ng Gubat na siyang dadaanan namin para makapunta sa bahagi ng Luzon, patawid na sana kami ng biglang may nagpakitang zombie. Hindi lang isa o dalawa humigit kumulang sila limang daan dahil halos sakupin na nila ang dadaanan namin.

"Ambush" sabi ni Pola mula sa taas. Kinuha ko ang sniper ko at dali daling tinutok sa mga zombie.

*Bang

Umalingaw-ngaw ang putok na yung sa kabuuhan ng kagubatan, nakarinig kami ng mga yabag at mga naapakang tuyong dahon. Umakyat ang takot sa aking buong katawan ng mas dumoble pa Ang mga zombie na kaninang madami na. Napatulala nalang ako at hindi na makagalaw sa pwesto ko.

"Ano ba kumilos kayo" natauhan naman ako sa sinabi ni Ell kaya agad agad akong dumungaw sa bintana at sunod sunod na inasinta ang mga kalaban, parang hindi sila nauubos. Mabilis na may lumapit sa pwesto ko kaya agad ko itong pinaputukan.

"Kyahhhhhhhh" napatingin ako kay Shemai na nakatakip Ang mukha at tinuturo ang unahang bahagi ng sasakyan, halos takbuhan ako ng espiritu ko ng makita ang zombie sa hood ng sasakyan namin, pero mas lalo kaming nabato ng bigla nitong iuntog ang ulo. Unti unting nababasag ang salamin pero hindi namin alam kung anong gagawin. Ito na ba ang katapusan namin?

"Tsk, the hell are you"

Apocalypse Of The UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon