CHAPTER 6

21 3 0
                                    

"Ahhhhh Zinnnn"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ahhhhh Zinnnn"

"Ahhhhh takte ang sakit" napadilat ako at napa hawak sa likuran ko.

"Baliw kana ba? Magpapakamatay ka?" B-buhay pa'ko? "Hoy" nabalik ako sa ulirat dahil dun.

"B-buhay pa'ko?"

"Oo buhay ka pa, kakasabi ko lang na ikamamatay niyo kong tat*nga-t*nga kayo" napa-iwas ako ng tingin, hindi ko akalain na ganito pala kahirap yun yung napapanood ko kasi sa movie parang ang dali lang pero ngayong kami yung nasa ganitong sitwasyon, napaka-hirap "wala kayong oras para malugmok, tumayo kayo at may nag-aantay pa sa'inyo" tinignan ko siya, hanggang ngayon malaking misteryo pa din siya sa'min, pero base sa pinakikita niya, kakampi namin siya.

"Tsk tutal nandito na kayo at ligtas na aalis nako" tumayo ako, nilagpasan niya lang kami.

"Ah ano" huminto siya at humarap sakin, tela inaantay ang susunod kong sasabihin "S-salamat" sh*t naman, nautal pa.

"Pagpapa-salamat nalang nahihirapan ka pa, walang anuman" napalunok ako, lumakad na ulit, binuksan ang pintuan at di na nag-abalang isara ang pintuan, pinagmasdan ko siya hanggang sa mawala na ang pigura niya.

"Zin ayos ka na ba?" Napakurap-kurap ako.

"A-ah oo ayos lang ako"

"Tumayo kana jan" tinignan ko si mids na nakapamulsa. Ayos ah parang hindi natakot kanina. Nailing-iling nalang ako. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko.

"Isasara ko muna ang pintuan" sabi ni Klent. Tinignan ko ang mga kasama ko, mukha namang ayos kami.

"KUYA!" napalingon ako sa likod ko.

"Shemai" nakita ko ang kapatid ko at ang iba na tumatakbo papunta sa'min.  Agad na lumapit sakin si Shemai at niyakap ako.

"Are you okay?" Tanong ko, naramdaman ko ang pagtango niya.

"bakit nandito kayo?" Tanong ni Mids.

"Kuya" Shemai look at me. Umakyat ang kaba ko dahil dun.

"What is it?" Kinakabahan man gusto kong malaman kong ano yun.

"Ate Yanna's father called her, he said na they all pick it up here" akala ko ano na. Nakahinga ako ng maluwag.

"How about the others? Maraming tao tayong kasama maliban pa sa'tin" tama si Klent.

"He said ilalagay nila sa city jail, the city jail is safe at karamihan ng nakaligtas ay doon nila nilagay, pinakakain nila at the same time inaalagaan" I smile at her.

Apocalypse Of The UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon