"Stress is a normal reaction to everyday pressures, but can become unhealthy when it upsets your day-to-day functioning"
It was our last class for today. Medjo naging busy dahil 2nd sem na namin. Nang mag bell na agad kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si kuya.
[Elise umuwi kana emergency] nanginginig ang pagkakasabi ni kuya.
"Why what happened?!" Natataranta na ako.
[Faster! i need you here!].
Binaba ko na ang tawag at nagmamadaling umuwi. Ano nanaman ba ang nangyare. Jusko po patawarin ako ni san pedro.
Ng makarating na ako sa gate namin derederetsyo na akong pumasok sa loob sa sobrang taranta. Halos madapa na ako dahil tumatakbo ako.
Patay lahat ng ilaw kahit anino ko hindi ko makita hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan iyon.
"Happy birthday elise!" Sabay sabay silang sumigaw.
"ay palaka!" Napahawak ako sa dibdib ng magulat ako sa sigaw nila.
Nakita ko na may nakalagay na 'happy birthday' sa may pader. Nandon lahat ng mga kaibigan ko kumpleto sila, kahit si theo, dreykov and iya. Oh wait. Nandito din si aren na may hawak na cake. Friend?.
Lumapit sakin si aj dala ang cake, nagwish muna ako bago ko hipan ang candle. Nagpalakpakan pa sila ng mahipan ko iyon. Para naman akong batang nag birthday kulang nalang ay mascot.
"who initiated it? I almost flew just to get home right away because it was an emergency!" Pagmamaktol ko. Natawa silang lahat.
Lumapit sakin si kuya at hinalikan ang noo ko "its a prank. happy birthday wiswis" hinampas ko si kuya sa dibdib, yuck.
"stop calling me wiswis" yun ang tawag niya sakin para asarin ako. Nakuha ni kuya yon sa elouise ko, kaya wiswis.
Tumakbo palapit sakin sila avine, deo, aki, elle, para yakapin ako. "Happy birthday wiswis" bati nila sakin. Jusko po Lord alam na nilang lahat yung nickname ko.
"Thank you".
"Happy birthday, anak!" Lumapit sila mommy at daddy sakin para yakapin ako.
How can i forget my birthday? Shocks.
"Dahil 19 ka na rin be! Shit next year 20 kana! You're getting old" excited si elle. Wala nanamang kwenta ang mga sasabihin ng mga to.
"Dahil last year mo na ito bilang teen, Isa isa kaming mag memessage sayo" si avine.
"Sila tito at tita muna ang mauuna" sabi ni deo.
Pinaupo nila ako sa sofa dahil sa sala sila nag decorate. Lumapit naman si mommy na paiyak na habang si daddy naman ay tinatawanan lang si mommy.
"Mom kalma mag memessage lang kayo sakin" i laughed, such a cry baby.
"Happy birthday anak thank you for always being there for me, pag nagaaway kami ng daddy mo" humikbi si mommy hindi mapigilan ang pag iyak. "always remember that you will always be our baby girl, i love you so much wiswis" my mom hugged me. Im so blessed to have her in my life"
"ako naman, happy birthday wis. you're getting older, I won't be surprised if tomorrow or next week you'll have a man to introduce to us" natatawang sabi ni daddy "for me i want the man who will love you, that your mommy and i are comfortable with him. That He won't leave you and he won't hurt you". My dad looked to aren and smiled at him. Bakit kailangan tumingin don.
BINABASA MO ANG
Drown by her mystic rhythms (Sapience Series)
RomanceSapience series #1 Whenever I dance in front of you, you are the man I want to see watching me. With every strum of your guitar, I will be the flesh of your rhythms. "You will always be the mystic rhythms that will complete every music I do. I love...