Trigger warning: physical abuse
"aren! Halika nga dito!" Galit na sigaw ni tito.
"Ano to ha? Hindi ka man lang naglinis ng bahay kaya ka iniwan ng magulang mo kasi wala kang kwenta!" Bahagyang tumulo ang luha ko sa sinabi ni tito. Hindi ko naman kasalanang iniwan ako, hindi ko din naman iyon ginusto. Pero bakit parang kasalanan ko lahat?.
Baby palang ako iniwan na ako nila mommy sa tito ko, hindi ko malaman kung anong rason kung anong dahilan kung bakit nila ako pinamigay. Ang palagi lang sinasabi sakin nila tito kaya ako iniwan ng mga magulang ko ay dahil wala akong silbe.
Mag high school na ako ngayon pero hindi ko parin mapagtanggol ang sarili ko.
Palagi nila akong binubugbog. Pag may nakikita silang dumi ako agad ang sinisisi, pag wala pang lutong ulam, kahit pag mag kaaway sila ng asawa niya. Sakin nila binubuntong ang galit nila.
"Sorry po" humikbi ako at kumuha ng walis para malinis yung alikabok sa ilalim ng lamesa.
"Sa susunod magkaron ka nga ng silbe sa bahay na to! Hindi yung palamunin ka lang! Punyeta bakit ba kasi pinanganak ka pa ni ate, hindi ka din naman pala kayang alagaan!" Walang tigil ang bibig ni tito.
Bakit ba hindi nalang nila ako magawang mahalin? Hindi naman ako bunga ng kasalanan sa mundong ito. Pero bakit pinaparamdam sakin ng lahat na isa lang akong kasalanan. Eh halos lahat ng kasalanan naako ko na.
"Hindi ko naman po sinasadya eh..." Pabulong kong saad dahil umiiyak na ako.
"Aba at talagang sumasagot ka pa ha!" Hinila ni tito ang palapulsuhan ko at sinampal ng malakas "wala kang kwenta sana hindi ka nalang nabuhay!".
Sana nga. Sana hindi nalang. Ano bang rason ko sa mundong ito? Akuin lahat, Tiisin lahat, hanggang kelan ko ba titiisin lahat ng masasakit na salita nila, hanggang kelan ko sasaluhin ang masasakit na sampal nila?.
Tumakbo ako sa kwarto ko at sumubsob sa unan para umiyak, gusto kong umalis, gusto kong takasan lahat pero saan ako pupunta? Saan ako pupulitin?.
I don't know anymore, I don't know anything anymore, as long as it's important that I get out of this hell.
I put all my belongings in my bag, and was ready to leave this house. I first looked at where Tito was, when I saw he was not there, I immediately ran out of the house.
I ran non -stop because they might catch me, I endured the tiredness I felt, just to escape from them.
"Pst" napatigil ako sa pag takbo ng may tumawag sakin.
Nag dadalawang isip akong lumapit sakanya dahil baka nandito sila tito ayoko ng makita pa sila ulit.
"Sinong tinataguan mo?" Tanong ng lalaki, halatang magkasing edad lang kami.
"Y-yung tito ko, b-baka makita nila ako" nangangatal na ang mga tubod ko dahil sa pagod. "B-baka s-saktan nanaman nila ako".
"Shit, halika sumama ka sakin" hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin wala na din naman akong lakas para pumalag sakanya.
"Saan tayo pupunta?" Hingal na hingal na ako hindi ko na mahabol ang hininga ko dahil sa pagkakatakbo.
Huminto kami sa isang malaking bahay, malawak iyon. Malaki ang gate, may malawak na garden. Kulay puti ang bahay at up and down iyon.
BINABASA MO ANG
Drown by her mystic rhythms (Sapience Series)
RomanceSapience series #1 Whenever I dance in front of you, you are the man I want to see watching me. With every strum of your guitar, I will be the flesh of your rhythms. "You will always be the mystic rhythms that will complete every music I do. I love...