Chapter 21

84 65 13
                                    

Nagising nalang ako nasa condo na ako wala akong maalala sa nangyare, hindi ko maalala kung sino ang nag uwi sakin dito. Iba na ang suot kong damit at inalis din ang make up ko. 


Lumabas ako ng kwarto at bumungad sakin ay ang mga kaibigan ko, hindi ko alam kung bakit ako nag eexpect na si aren na iyon, sana siya yung naghatid sakin dito kagabi, sana siya yung nagasikaso sakin nung lasing ako. Pero wala. 


"elise, ok kana ba? anong nararamdaman mo?" nagaalalang tanong ni aki. 


"ok na ako" maikling saad ko at tumabi sakanila.


"ano ba kasing nangyare at nagoakalasing ka ng sobra kagabi?" tanong ni elle. 


"wala naman" i chuckled.


ang daming tanong ng dalawa habang si avine ay nagaalalang nakatingin sakin, alam kong gusto din niya magtanong pero baka alam niyang hindi ko siya  masasagot. 


tumabi ako kay avine na nakaupo sa carpet ng sala ko. "don't worry im ok" pag papagaan ko sa loob niya.


"guys, labas tayo" yaya ni elle. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang lumabas baka makkita ko nanaman yung nakita ko kahapon. Pero hindi ko din naman matiis mga kaibigan ko kaya sumang ayon nalang ako sakanila.


"saan na naman?" taas kilay na tanong ni avine.


"kung saan tayo mapadpad" tumawa naman si elle.


"tayo lang ba" aki asked. Napatingin ako sakanya parang dati naman ayaw niya ng may ibang kasama ano bang nangyayare sa babaeng to. weird. 


"bakit may gusto ka pa bang isama? hmm" naningkit ang mga mata ni elle na para bang iniintay niyang may sabihin si aki.


"wala" maikling saad nito.


Tumayo na ako at nagpaalam sakanila para maligo, iniwan ko silang nag tatalo sa sala. Simple white tshirt lang and maong shorts ang suot ko dahil tinatamad ako at wala akong gana mag ayos ng sarili ko. Nag lagay lang din ako ng kaunting blush on at lipsick para hindi ako mukhang haggard.


Lumabas na din kaagad ako sa kwarto, nag lalaro nalang sila ng uno cards. Mukha silang masaya, at masaya din ako para sakanila. Habang ako hindi ko maramdaman ang saya ngayon.


Nagflashback sakin lahat yung aming, 1st anniversary, yung mga masasayang araw na magkasama kami, sadyang mabilis  lang talaga lahat ng pangyayare. Mag 2nd anniversary na kami. Lord ikaw na ang bahala.


SUV ni elle ang ginamit namin dahil lahat kami ay tamad mag drive. Tutal si elle naman ang nagyaya siya narin ang mag drive. 


nagulat kami sa kantang pinatugtog ni elle. 



"Kumupas na lambing sa 'yong mga mata nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama" pag sabay ni elle sa kanta.



"what the fuck?" bulong ko. 



Nasa shotgun seat ako nakaupo kaya naririndi ako sa tugtog ni elle.



"the hell is that" reklamo ni aki. habang si avine ay tahimik lang wala naman bago don.



"wag kayong ano jan alam kong alam niyo tong kantang to, kumanta nalang din kayo" saad ni elle habang nag dadrive.



"May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita bakit kaya parang hindi ka na masaya?"  naki sabay na din sa kanta yung dalawa. 



Kahit ngayon lang elise kalimutan mo muna yung nakita mo, maging masaya ka nalang muna ngayon habang kasama mo mga kaibigan mo.  Kahit medjo relate ako dun sa kanta kailangan ko ipakitang malakas ako.


"Tenenenen" sigaw naming lahat.



"Ika'y biglang natauhan umalis kaagad nang hindi nagpapaalam ang sabi ko, "Hindi kita mami-miss" Hanggang kailan ito matitiis?"  sabay sabay na kaming nakanta. Gumagaan pakiramdam ko pag kasama sila.



nag kantahan nalang kami para malibang, habang nasa byahe.



"were going to vigan" sabi ni elle at pinause ang tugtog.



"girl, ang layo kaya mo pa ba mag drive pauwi?" tanong ni avine.



"maybe" ngumiti si elle habang nakatingin sa daan. 


sinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana ng sasakyan ni elle at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.




"elise, nandito na tayo" paggising sakin ni avine.  



naghanap muna si elle ng mapag paparkingan at tsaka kami bumaba ng kotse.  Nagikot ikot lang kami at nagpicture. 



alam kong alam nilang hindi ako ok, kaya nila to ginagawa. Sobrang swerte ko sakanila dahil kahit wala akong sabihin ay nararamdaman nila iyon.




araw araw kong minemessage si aren nag babakasakaling magreply na siya pero never siyang sumagot, hindi nag dedelivered messages ko, ni hindi man lang niya ako magawang puntahan kahit sa condo ko lang.




"Uy tulala ka na naman jan" siko sakin ni aki. Nasa isang restaurant na kami ngayon, napagod kaming lahat sa pag lalakad.




"Hmm?" 




"ang sabi ko message mo si shin at papuntahinmo sila dito" sabi ni elle. 




"bakit isasama pa yung mga yun?" reklamo ni avine.




"nakakapagod mag drive, ok sana kung kayo yung nagdadrive eh" umirap si elle. 




"bakit ako?" tanong ko.





"malamang kapatid mo si shin at mas malakas ka don " sabi ni elle.





"ako na" saad ni aki. Kaya napatingin ako sakanya at agad din umiwas. Tumingin naman ako kila elle na halatang naguguluhan din.




kumain muna kami at nagpahinga bago mag ikot ikot ulit, ang sabi ni aki ay susunod nalang daw sila kuya dahil may ginagawa pa daw sila. Hindi na ako aasang kasama si aren. Sa isang store nalang namin sila inintay.




"ang tagal ha" reklamo ni elle kay kuya at alrxei, nagulat din ako ng makitang kasama din si deo. Tama ang iniisip ko wala ngang aren na magpapakita sakin.




"daming reklamo, kaya niyo lang naman kami pinapunta para may magdrive sainyo" saad ni deo at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. May point.




"actually silang dalawa lang naman talaga yung sinabihan namin, wala naman talaga kaming balak na isama ka" umirap si aki at nauna ng maglakad.




"feisty" kuya chuckled. At nauna na din maglakad.




"kamusta kayo ng katalking stage mo miss elle?" pang aasar ni alrxei kay elle. 





"its none of your business" umirap din si elle at naglakad na palayo.




may bago nanamang nakakausap si elle? Gosh wala namang napupunta sakanya na matino, pero kung masaya naman siya susuportahan ko nalang siya. Pero pag sinaktan ulit yong babaeng yon baka makipag suntukan na ako sa lalake.




"ang susungit niyo naman, pinasunod sunod niyo kami tapos iirapan niyo lang kami" napailing nalang si alrxei.




"tara na elise tayo nalang ang  mag sabay" kumapit si avine sa braso ko at tsaka nag lakad. 






habang nag lalakad kami pa balik sa pinagparkingan ng mga sasakyan, nagulay nalang ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.




"Elise" tawag sakin, boses ng lalaki ang narinig ko.

Drown by her mystic rhythms (Sapience Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon