"hijo, kamusta na, okay ka lang ba doon sa bahay mo?" Tanong ni tita salline.
Naisipan kong dumalaw saka nila since ang tagal ko na rin namang hindi na punta dito.
"Okay naman po" ngumiti ako ng tipid.
"Kami nalang tuloy ulit dalawa ni alrxei ang nan dito" malungkot na saad ni tita.
"Bro, anong kukunin mong course?" Tanong ni theo habang naglalakad kami sa tapat ng UST. Dumaan nadin kaming U.P at La Salle kanina.
Sumisilip silip kami sa iba't ibang school ngayon. Gusto kong malaman kung saan ko ba gustong pumasok, ang pinoproblema ko ngayon ay pano ko mababayaran ang tuition fee, nahihiya akong mag sabi kila mommy dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang trato nila sa akin.
"Engineering" saad ko.
"Alrxei" tawag ng isang lalaki sa unang pangalan ni theo.
"Shin" saad ni theo.
"Naglilibot din kayo?" Tanong niya pa.
"Oo, saan ka mag eenrol ngayon? May naisip kana bang school?" Alrxei asked. Tumingin siya sakin at nginitian ako "bro this is aj, my best friend" pagpapakilala niya sakin.
Bestfriend? Sinabi niyang bestfriend niya ako. Simula bata ako wala akong naging kaibigan dahil nakakulong lang naman ako sa bahay ng tito ko. Nginitian ko nalang ang sarili ko. Siguro ito na yung panahon para gawin lahat ng gusto ko.
"im sinichi samuel, but you can call me shin" he offered his hand.
"Aren jace" tinanggap ko naman kaagad iyon. Hindi na pinansin ang tanong ni alrxei saka niya.
"Saan tayo ngayon?" Tanong ni shin habang nakangiti.
"I think let's eat first" saad ni alrxei.
"Okay lets go then" inakbayan kami ni shin, at nag lakad na papunta sa isang restaurant.
Ng makarating kami sa isang restaurant ay umupo na din kami sa tabi ng counter.
"Ano sainyo? I'll order" tanong ni shin. At agad sinabi ni alrxei kung anong order niya. Tempura ang inorder niya.
"Ano sayo aj?" Tanong niya sakin.
"Ramen nalang," saad ko.
Tumango si shin at nag lakad na papuntang counter para umorder. Ng makabalik na siya sa table namin ay umupo na siya sa harapan ko. Si alrxei naman ay nasa gitna namin.
"Anong kukunin niyong course?" Tanong ni shin habang nakahalumbaba sa lamesa.
"ophthalmology" sagot ni alrxei.
"Ikaw aj?" Seryosong tumingin sakin ni shin. Kay alrxei ko palang nasasabi ang kukunin kong course sa college.
"Engineering, ikaw ba?" Tanong ko sakanya. Hindi pa niya sinasagot ang tanong ni theo kanina.
"Law" ngumiti siya ng tipid samin.
Napatingin ako sa apat na babaeng pumasok ng restaurant. Pero mas nabaling ang atensyon ko sa isang babaeng naka white tank top at black high-waisted shorts, naka messy bun naman ang buhok niya. Mapula ang pisnge at ang mga labi, medjo maputi siya at matangkad.
"U-uhm guys, let's go na pala" narinig kong sabi nung babae ng mapatingin sa pwesto namin.
"Elise! Yung wallet mo" sigaw nung lalaking pumasok sa loob ng restaurant. Napasapo nalang ang babae sa noo niya.
Lumingon din naman ang dalawa kong kasama at mukhang gulat si shin. Hindi mapinta ang mukha nito dahil biglang kumunot ang noo niya.
"Elise!" tumayo si shin at tinaasan niya ng kilay ang babae.
"Kuya, what are you doing here?" Kinakabahang sagot niya pero nagawa pa rin niyang ngumiti.
Magkapatid sila? Holy shit.
"Ako dapat ang nagtatanong sayo nan" pinagkrus ni shin ang dalawang kamay niya sa dibdib.
"We're just uhm..." Hindi mapinta ang mukha ni elise. Tama elise ang pangalan niya, bagay sakanya. Pero mas bagay ako sakanya.
"Sige na, bumalik kana don. Wag kang mag papagabi ha, susumbong kita kay mom" halos mapatalon na si elise sa sinabi ng kuya niya. Parang batang pinayagan bilhin ang laruang gusto niya.
"Gosh, nag paalam ako" sabi ni elise halatang naiinis na sa kuya niya.
"Kuya ka ba talaga o tatay?" Natatawang tanong ni alrxei. Umupo na din naman ulit si shin.
"Hindi kasi mahigpit sila mommy kaya ako na ang magbabawal sakaniya" seryosong saad niya.
Finally. Dumating na din ang inorder namin, nilapag na ng waiter ang food sa table namin.
"how does ramen taste?"
***
"Masarap naman" sabi ko kay avine ng tanungin niya ako about sa ramen.
Shit, mag uusap daw kami mamaya. Bakit ba? Ano bang nagawa ko para namang napaka laki ng kasalanan ko sakanya.
Pinilit kong ubusin ang ramen kahit pakiramdam kong sasabog na ang tiyan ko. Kinakabahan na ako dahil sabi ni aren sa message niya ay mag uusap kami. Ano naman ang paguusapan namin? Eexplain ba niya kung bakit niya ako hindi kinakausap? Hindi ko na alam. Bahala kana Lord.
Nagulat ako ng biglang tumayo si aren.
"we'll just talk" hinawakan ni aren ang aking kamay at tumayo rin naman ako kaagad.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko at nginitian sila. May bakas na gulat sa bawat mukha nila.
For fucksake wag naman sana akong bugbugin ni aren.
Lumabas kami ng restaurant at derederetsyo padin si aren sa paglalakad hanggang makarating siya sa madilim na lugar. Sumusunod padin ako sakanya.
Shocks gabi na pala. Hindi ako nag paalam kila mommy, hindi ko sila macontact dahil nalowbat na ang cellphone ko.
"Uhm" magsasalita na sana ako ng bigla niya akong niyakap. Ang higpit ng pagkakayakap niya na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa.
"Tangina naman eh, bakit ba kasi ang hirap" saad niya.
"I told you don't think about that. You dont deserve them" saad ko sakanya habang hinahaplos ang buhok niya. Iniisip nanaman ba niya yung sinabi niya sakin sa La Union.
"Hindi" saad niya. Humiwalay na din siya saakin at pinunasan ang unting luha sa mata. "tangina hirap mong iwasan" bulong niya pero narinig ko padin.
Iwasan? So iniwasan niya talaga ako, pero bakit. Nagtataka akong tumingin sakanya hindi ko maintindihan kung bakit, dahil okay naman kami nung nasa La Union.
"Bakit mo ako iniiwasan?"
Hindi siya sumagot at umiling lang. Hinawakan ko ang kamay niya ay tinignan ang mga mata niyang puno ng sakit.
"Tell me please" saad ko.
"Im sorry" ngumiti siya sakin.
Ano bang nararamdaman niya hindi ko siya maintindihan. Alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang sabihin sakin.
"Ano bang nangyayare?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Lasing ba to? Naguguluhan na ako sa inaakto niya.
"Gusto kitang ipagdamot"
BINABASA MO ANG
Drown by her mystic rhythms (Sapience Series)
RomanceSapience series #1 Whenever I dance in front of you, you are the man I want to see watching me. With every strum of your guitar, I will be the flesh of your rhythms. "You will always be the mystic rhythms that will complete every music I do. I love...