CHAPTER 14

10 2 0
                                    

JAESOO'S POV

I still can't believe he stole my first kiss!

Is he insane? He confessed to me unexpectedly and stole my first kiss. But I guess it's my fault too, hinayaan ko siyang gawin yon.

Habang nasa malalim na pag-iisip ako ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko pala si Sunoo.

"Hey Jaesoo? Anong nangyari sayo? You look pale." Takang tanong nito.

"M-masakit lang yung tyan ko." Pagdadahilan ko kahit hindi totoo. Nakita ko naman ang pag aalala sa kanyang mukha.

"Gusto mo dalhin nalang kita sa clini-" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at agad akong sumabat.

"Actually mag papaalam ako kay Prof na excuse muna ako for today." I answered.

"Are you sure na hindi ka pupunta ng clinic? Ihahatid nalang kita for your safety." Saad nito habang hindi parin naaalis ang pag aalala sa kanyang mukha.

"No need. I'll call Kuya Jake to fetch me, So don't worry." I gave him a small smile so he will not worry about me. "Una na ako, Mag papaalam pa ako kay Prof." Saad ko at tuluyan ng umalis.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

I lied earlier, Hindi masakit ang tyan ko at hindi ko tinawagan si Kuya Jake para mag pasundo.

Gusto kong mapag-isa. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon and feeling ko sasabog utak ko dahil sa daming iniisip.

Lakad lang ako ng lakad nang hindi ko alam ang magiging destinasyon. Hangga't kaya ng paa ko mag lakad ay hindi ako titigil.

Para akong Multong naglalakad at walang pake sa paligid.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa Abandoned Park. Hindi ko rin namalayan na mag gagabi na.

Itong parke na ito ay isa sa pinakamahalang lugar para sa'kin. Dito lahat nag simula ang pagkakaibigan naming apat.

Naalala ko pa nga ay mayroong mga batang nambubully sa'kin dati kasi lampa daw ako ngunit nung dumating silang tatlo ay hindi ko na kailangan  matakot habang nasa labas.

They make me feel like I'm their Princess, Naalala ko' pa na lagi nila akong pinangtatanggol sa mga bully sa school namin.

But today everything is falling apart. It makes me sad and I'm always wondering if this is my fault.

"Kung hindi siguro nangyari sa'kin yung ganong bagay, Hindi ako magbabago at lalong hindi magbabago ang pakikitungo ko sa kanila." Saad ko habang kinakausap ang sarili. Hindi ko namalayan na patuloy na pala ang pag-agos ng mga luha sa aking mata.

"Tapos kanina Riki suddenly confess to me, kaya mas lalong naging awkward." I mumble.

Hindi ko alam yung nararamdaman ko masyadong magulo. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o iiwasan siya.

It is because our feelings are not mutual pa? Hindi ko alam kung gusto ko siya o hindi. Isa ito sa nagpapagulo sa isipan ko.

Maybe he is just experiencing INFATUATION of love?

Umupo na muna ako sa swing dahil nakaramdam na ako ng pagod, sobrang bigat narin ng talukap ko, anytime I can passed out.

I heard a car stop right in front of this Park but I didn't bother to look kung sino yon.

I heard a foot step papalapit sa'kin kaya naman bigla akong na alarma at napatayo sa swing.

"R-riki?" Gulat na tanong ko. "B-bakit ka nandito?" Nauutal at hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Naisipan kong bumisita dito, But I didn't expect to see you here too." He answered. I can feel his stare kahit hindi ko siya tinitignan.

"I gotta go." Kabadong sagot ko at aalis na sana ako when he suddenly grabbed my wrist and stopped me.

"I'll give you a ride home, It's too dangerous kung uuwi kang mag-isa." He said in a cold way. Hindi niya parin tinatanggal yung pagkakahawak sa pulsuhan ko.

"I'll call Kuya Jake nalang." Pagsisinungaling ko.

Tinitigan niya ako ng matagal at ganon rin ang ginawa ko. There is something really strange in his eyes every time I stare at it, It's like someone is pulling me.

"I'll send you home." Ma awtoridad nitong sabi at doon ako nakaramdam ng kaba at takot.

Kaya naman napa-iwas nalang ako ng tingin sa kanya. At unti-unti na niyang binitawan ang aking pulso at mas lumapit pa sa'kin.

"I can't stand if something bad happens to you again. So I'll make sure na makakauwi kang ligtas." He said while pressing his two hands against my cheeks. I can see na he's worried about me.

I stared at him ng mas matagal pa, Masdayong nakakalunod yung mga titig niya, Napakalalim to the point na hindi ko kayang tumagal. Kaya naman  agad-agad akong tumalikod.

"Let's go." Sabi ko at nauna nang pumunta sa sasakyan. Sumunod naman agad siya sa'kin.

Pagbubuksan niya na sana ako ng pinto pero hindi natuloy ng sabihin kong "I can do it." kaya agad naman akong pumasok sa likuran sasakyan.

Pumasok narin siya at sinumulang i-start ang engine.

"By the way, Let's eat muna before I send you home." He said na parang punayag na agad ako sa gusto niya.

"Ang usapan natin ihahatid mo lang ako. Wala akong natandaan na sinabi mong kakain tayo." Malamig na sagot ko.

"If I tell you that earlier alam kong hindi ka sasama, So I decide na huwag muna sabihin yon kanina. " Sagot nito at biglang lumingon para tignan ako. Umiwas nalang ako ng tingin dahil wala lumalabas na salita sa bibig ko. He chuckled because of my reaction.

He began driving, and I remained silent dahil wala naman kaming pag-uusapan at ayoko rin siyang kausapin. Dahil hanggang ngayon nasa isip ko parin yung nangyari sa'min kanina sa School.

Napansin ko rin sa aking sarili na naging malilap ako sa mga taong nakapaligid sa'kin. Hindi na ako yung dating nakilala nilang masayahin, madaldal at palabiro.

I'm wondering when I'll be able to return to my old self, as well as my old attitude.










IS IT TRUE LOVE? ||Y.J.W||N.R||K.S||Where stories live. Discover now