Malalim Na Gabi

43 1 0
                                    

Alas-dose.. hating gabi

Handa ng makaparisa't makatabi..

Paggalaw ng oras di mapapaikli

Tunay na malaya at wala ng hikbi!

Paglayag ng kamalayan sa sarili

Wala ng patnubay ang mananatili

Bawat haplos lakip ang pagpawi

Mga pagod at kasiyahan ang bawi!

Pagtitig sa mga mata mo'y lagi

Pinapalitan ng mga ngiti mo sa labi

Hindi ambon kundi bagyo ang lalabi

Nadarang sa iyo ng walang kahati!

Magkasabay sa bagang binabali

Dahil nais na sa apoy na matali;

Sa isa't isa'y di magbabaka sakali

Humahalina ang bawat halik na sumasali!

SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon