Nobyembre

19 1 0
                                    

Paano nga ba makakalimot

Kung sa pag-iwan satin ng minamahal ay...

Nagbibigay ng kapighatian, lungkot,

Ngiti, alaala na maisasama sa hukay!

Pagdurusa hindi sa sinamahan ng poot,

Tanging panahon lamang ang kumulay,

Na hindi lahat maikakatuwirang kunot,

Emosyon ang gigising sa atin at magpapatunay!

Lahat may hangganan at hindi mahihinuha ang sagot,

Karamihan danas ang paghandusay,

Kalimitan may kanya kanyang lagot,

Hihina ang pagiging pagkamahusay!

Hindi natin alam kung sadya bang pinagdamot,

Ang makapiling ng matagal ang mahal sa buhay,

Akin ng napagtanto na panandalian lamang ang gamot...

Hindi man matanggap ngayon, may DIYOS na siyang magbabantay sa ating kaluluwa at mag-gagabay!


SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon