Pantay-pantay

35 1 0
                                    

Kumpara na natin sa mayayaman at mahihirap

Ito ay di na bago sa panahong puro maiilap

Marami ng nagtataasang kilay at nang iirap

Ngunit kabulagan pa rin pinanghahagilap!

Pinanganak na mahirap, magsumikap

Anumang kinakaharap sa hinaharap

Harapin ito at mangalap..

Nang kakaibang inspirasyon para sa pangarap!

Estadong pang dukha o alapaap

Tanggapin ng maagap

Determinasyon sa sarili ilaganap

Para sa kinabukasan at layang hinahanap!

LGBT? ---

Para sa kasarian na ganap

Na maaaring iba sa magiging pangungusap;

Pagtrato sa kanila puwedeng idaan sa usap

O batas na magiging sandalan nila't kayakap!

SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon