Bagong Taon

21 1 0
                                    

Enero ang hudyat sa panibagong taong papasok,

Marami na namang paputok ang paniyak na susubok,

Mga tunog pakiwari'y wala ng kalungkutang bubulasok!

Hindi na bale sa amoy kung nakakasulasok!

Handaan malamang hindi mawawala sa tutok.

Hindi rin mawawala ang letchong nakatusok.

Ham, Salad, Spaghetti, Maja't marami pang masasalok,

At pamilya na sama-sama saan man sa mundo't pinakasulok!

Hindi man lahat nakakatikim ng mga baboy at manok

Mga pagkain maaari pa nating maalok,

Minsan bihira makaluto ng sinabawan sa palayok,

Hindi lang sa pinto kung di sa puso ng bawat tao ang pupuwede nating makatok!

"Tanggapin ang nakaraan,
Harapin ang ngayong araw,
Paghandaan ang hinaharap!"

Magbago ang mapang-amok,

Huwag daanin ang tapang sa mga may hilig maglagok,

Ang alak panandalian ang minsang sa buhay may problema'y dagok,

Huwag nating hintayin na ang alak pa ang maging dahilan ng ating pagbagok!


SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon