Araw Ng Mga Puso

73 1 0
                                    

Pinayabong ang pag-ibig sa pebrero na sumilay

Pulang rosas at tamis ng tsokolate ang dalawa sa mga patunay

Subalit hindi lang iyon ang kahulugan sa salitang ipinagnilay

Iyon ay pagmamahal ng DIYOS sa atin ang talagang nagpapatibay.

Ngunit ang kaganapang ganito sa araw ng mga puso ay

Harapin ang minamahal sa buhay

Lagyan ng ngiti, saya, alaalang iaalay

Kabuluhan sa mundo o kabilang sa mga kaagapay.

Ang pagtutol ay hindi lubos masama kung marunong sa paghihintay

Iyon ay kaginhawaang kapalit sa tagal ng panahong hinimlay

Batid sa puso ang kasiyahang makakamit at hindi dikit sa pagkatamlay

Ngayon masusuri ang tatag na may kagalakan, pagmamahal na walang kapantay.

Aminin na ang pag-ibig kahit sino ay pwedeng mabigay

Ito'y walang pinipili na kondisyon at lagay

Ang karanasan sa nakaraan magiging daan sa pagiging sanay..

Sa mga lungkot, sakit at luha ang siyang nagiging karamay sa mga gabay.

SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon