Isa sa Natatangi

36 2 0
                                    

Mula sa ligaw
na di akala

Dilim ng paligid
na di tama

Nilakbay kasama
aking diwa

Hangganan kapani-
paniwala?

Oras ay lumipas
ng kay haba

Pagod ay tila di
alintana

Sakripisyo
tila malalala

Ang paghihintay
maibababa?

Pagkalungkot ay
dinadambana

Paano na Kupido
ang pana?

Palaso mo ba'y
magiging bala?

Sige, sakin mo
yan ipatama!

Pahinga ko ay
mapapayapa

Sandalan ang
panibagong laya

Maibibigay ba
kahit daya?

Hiling ko'y iyan
lamang ang kaya!

May malubak at
patag na lupa

Doon di madadaan
sa hula

Paroroonang
sariling kuta

Hindi na to
bale kung malula!

Senyales di
madaling makuha

Mata na ang
bahala sa lula

Kutob na
sinasabing huhupa

Kalooban ay
buong-buo pa!

Ano tong
napiling mahiwaga?

Misteryong ningni"t
kinang na tala

Binaba mula sa
taas, Bathala?


Kaya ganto ko't
di mabahala?

Panandaliang
pag-uusisa


Malabong kisap-
matang bisita

Pagkakataon ay
masisira

Kung ang pahiwatig
bubusina!

Kay ganda ng
araw sa umaga

Walang katapusan
bang paghanga?

Maaari kayang
di magsawa

O mahika na ba at
pantasya!?

Pagtagpo'y nilaan
ng tadhana

Senaryong may
pabulong sa tenga

Kaparehas sa ibang
sistema

Babagay sa
kahit anong tema!

Animo'y lalabas
sa eksena

Ganap tila raining
in manila

Salitang tula
at maiksi ba?

Oo, banayad 'to
sa panlasa!

Simple lang ako
kung magpakara

May talinhaga't
bahagyang bara

Anyong pwedeng
ipadoble-kara

Mainam sa
tugmaang magara!


SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon