Panibagong Ako

22 1 0
                                    

Hinimagsik ang sarili gamit ang nakatagong tinig

Inalis ang takot sa kalooban, tapang na ang hinilig

Katuwiran dahan dahan ng hindi na inibig

Tamasang ninanais lalakipan ng tama sa titig!

Hindi sa tingin dapat na mahimig;

Hindi rin malagay sa pangingigalig;

Sasamahan ng pagbabalik ng nalig,

Takot sa DIYOS at sa tiwala ang panig!

Marami man sa'tin ang kumabig

Tungo sa "Panibagong Ako"...

Ang sinasabing kapit kapit sa bisig

Sa sama-samang paghamig...

Ay maipapakita sa kanila ang karurukan ng salig!

Minsan kadalasan na ating rinig

Sabing tansyahin ang pintig

Kung makakabuti ba o baka mauwi sa negatibong sandig

Bunga sa dulo makikita ang bagong tindig!


SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon