SAF 44

28 1 0
                                    

*Enero 25 2015*

Maraming luha ang PUMATAK

Hinagpis ng mga magulang halos labis ng BUMAGSAK,

Pag-iwan ng hindi lamang SUGAT

Peklat na sa kahit lumipas ang maraming taon..

Lungkot pa rin ang kani-kanilang BUHAT!

Ako'y nakikiramay kahit walong(8) taon na ang NAKALILIPAS

Ang massacre sa ating mga SUNDALO,

Kahit ano mang gawin kong PAG-IWAS

Iisa ang tanging nagbigay sa kanila ng kamatayan..

.............!

Pagkatapos mamatay ng SAF 44..

Kaniyang itinalaga agad ang mga sundalo na maging BAYANI

Upang makatakas sa kasalanan na alam nyang hindi na MABABAWI,

Ginawa nyang bayani para hindi sa kanya MABALING..

Kamatayan kaparusahan sa kamatayan na GALING!

Sabihin nyo ng masama ang ugali KO,

Hindi ako kumukuha ng SIMPATYA,

Pinaparating ko lang sa dating PANGULO,

Bakit ganon ganon na lang sa SAF 44 ang mabilisang pag-DISPATYA?!

Sabi pa ni HAMBOG sa kanta nya:

"Pagiging kapwa Pilipino kanilang NAPABAYAAN

Digmaan muna bago makamit KAPAYAPAAN! ..

Kahirapan, kagipitan at gulo aming TANAW,

Mula Luzon hanggang Visayas hanggang dun sa MINDANAO!

Kung araw-araw ganito na lang di ba NAKAKASAWA,

Tingnan nyo ang kababayan nyo di ba NAKAKAAWA?!

Sa sarili mong bansa parang ika'y MINAMALTRATO

Gaya ng pamilya ng sundalo na KWARENTA'Y KWATRO!

Sa pagluha ang muka nila NAMAMASA PA NO?

Dahil walang HUSTIYA naganap sa MAMASAPANO!

~

Sa bansa natin ang may napakawalang kwenta na BATAS

Pabago bago PANGULO wala pa ring bagong LAKAS!

Talagang naniniwala na ko sa kanta ni Bamboo na TATSULOK,

Mayayaman lamang talaga ang nasa TUKTOK!


SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon