.........

12 0 0
                                    

Medyo malabo ang kapaligiran;
Aninag ang isang tao...
Ang buhok na hanggang balikat,
Mga mata niya'y tila nangungusap,
Babae... ano ang kaniyang pakay?

Sa hakbang niya, ako ang lalapitan,
Distansya? wala na sa malabo;
Pero... Hindi ko masino, bagamat...
Tila kilala na sa pakikipag-usap,
Bakit narito ako sa iyong hanay?

Unang narinig ang hikbi ng kaluhaan,
Bakit?... Ano?... At paano?
Wala akong maalalang akibat;
Bakit itim ang mga ulap?
Nais mo ba ang 'lumanay?

Nanatili lang sa kinatatayuan,
Aking tingin... sa iyo lamang nakapako,
Karaniwan lang ba ang humahalina' t...
Kabuuang anyo mo'y lumaganap...
Sa'kin ang pagtataka't pagbabatay!

Hindi ko alam... parang may kabiguan,
Kasama ng mga salita mo...
Ay ang mga luha na nakuha sa lamat...
Na parang... wala ng mahanap...
Bunton ng sakit... lungkot ang kaagapay!

Hindi mawari ang kadahilanan,
Parang bumigat pakiramdam ko,
Konektado ba ang ating mga sulat?
Iisa ang silong... may mga pangarap...
Hindi naabot sa ating mga buhay?

Dalawa ang tangan-tangan...
'Yan ang tanging gumugulo!
Ano ang meron, at iyon ang sumambulat? ;
Emosyon umapaw, mabilis na niyakap...
Sandali ang tunay!

Lahat naging dahan-dahan,
Agad nag-iba ang timplado...
Ikaw ang buhat-buhat;
Sanay sa hanap-hanap,
Nagdaa' y akay-akay!

.........

SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon