OFW

23 1 0
                                    

Mapamuksang ulila,

Dama sa ilang milya,

Kaba na laging hila,

Pangingibang bansa para sa pamilya!

Sakripisyo hindi sa mali at tama,

Panahon ang nag-udyok sa kahirapan na pila,

Maraming tanong nakapatong sa silya,

Hayaan na lamang nakahambalang ang di nakamasilya!

Maraming lungkot ang mananalasa,

Pag iwan sa anak ng panandaliang walang lasa...

Sa mga yakap at pag-ibig na sinala,

Lipad sa ibang bansa hindi iyan pagkasala!

Unawain natin nawa...

Ang desisyon na may lakip sa kalooban ng awa,

Hindi lang ang maiiwan ang luhaang mahahawa,

Pati na ang magulang na handang magtiis para sa ikagiginhawa!


SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon