Katangian

132 1 0
                                    

Katangian na higit pa sa iyong inaasahan

Bilang man ay paniyak kargado sa kalagayan

Pigurang naaayon sa ningning ng kalooban

Dehadong pagpili? Dapat na nga yang kasanayan.

Hindi sa anyong panlabas dapat na makitaan

Ang katangian ng isang tao na talagang mahahangaan

Ang rurok ng kapasidad sa tamang pagpipilian

Gintong tiwala ang maisasama sa pagka-kaibigan.

Ang pag abot sa kabutihan madali lang pagka-abalahan

Taglay ngang katangian, nag-iisang pangangatawanan

Ano ano pa nga ba ang dapat nating panghahawakan?

Simple.. ang mailagay sa sarili ang mabuting katangian.

Pairalin ng lubusan ang talino sa kalahatan

Upang makita ang katotohana't katangiang nilalarawan

Desisyon mo ang magsisilbing sagot sa kasalukuyan

Tinutukoy lamang, pananaw ay paka-lawakan.

SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon