Ang Magulang

42 1 0
                                    

Mula sa ating pagkasilang
Malalagyan ng ngiti ang mahabang
Paghihirap nila sa loob ng
Siyam na buwan nating pagkasalang.

Sa ating magulang
Nariyan ang kusang
Pagmamahal na parang
Isinakto sa bagong buhay ang pagkakulang.

Sa yakap pa nga lang
Pinadama nga ang
Ligayang walang anumang
Bahid ng negatibo sa galang.

Salamat sa alagang
Binigay at payapang
Sinabi na hanggang
Bata pa'y maging huwarang.

Ano pa man ang humarang
Kapitan ang tapang!
Matakot sa balang..
Pagsubok yan lamang!

Hagkan sa tuwinang
Pagod at luhang
Nanilay di yatang
Walang sising i-alang.

Pagkabata dadalang
Malamang di magsawang
Iisiping i-atang
Mga larong sumiwang!

Unti-unti ngang
Lumalapit ang gapang
Edad humambalang
Pait nilalapang!

Sa huli may pakarang
Pasalamat at iiwang
May ngiti at ang diwang
Magdidiwang dahil sa inyong pag-ibig na lubos di mabilang!


SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon