Guro

24 1 0
                                    

Pauna ang maraming salamat,

Ikaw O guro nagbigay ng paulat

Na hindi sa isang kabanata sumulat,

Kung di sa panibagong espasyo na may natatanging panggulat!

Pangalawang ina na sa amin umakibat,

Nag-alis ng limitadong pagsukat,

Nang tiwala sa sarili ang maging kabalikat,

Iyan ang mga turo na sa amin nailapat!

Nakatatak sa puso at isipan na hindi malalamat,

Kwadernong iginamit hindi ikakalat,

Ipinaloob mga aral na sami'y pinabanat,

At sa maliit na parisukat na may aklat at kinabilangan ng apat!

May mga panahong may alat,

Pasaway na hindi minsan maawat,

Guro na hindi pa rin nalipat,

Kahit sa mga estudyante'y marami ng nasisipat!

Paumanhin sa minsan naming pasikat,

Handa na ang pagbato ng pambura sa pag inat;

Magtuturo kahit tamaan man ng sinat,

Guro ngang karapat-dapat!

SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon