Musika

33 1 0
                                    

Dulot ay kasiyahan, kalungkutan

Lirikong pumupuno ng mga katanungan

Na minsan ang kalaunan

Ang panandalian ay natatabunan!

Lalo na kay sarap pagmasdan

Mga dahong naglalaglagan

Kasabay ng paglinamnam ng musikang pinagpilian

At huni ng mga ibon tipong nais sabayan sa awitan!

Mababaw kung sasabihan

Hindi ito sinasang-ayunan

Bigay lang sa atin kalimitan

Pampapawi ng sakit ng kalooban!

Sawi sa pag-ibig ang karamihan

Musika ang tanging sandalan

Kahit sa pagtulog wari lamang makalimutan

Hayaan na ang bukas sa pahingahan!

Iba nama'y dulot kaligayahan

Bahala na kung di maigihan

Maging malaya lang ang takbo ng isipan

Wala ng oras ang mamimilitan!

Ang musika minsan

Parang kwento ng buhay pinaglaanan

Pananawian mula sa pinaka-ibuturan

Mula sa puso, diwa, at kapighatian!

SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon