CHAPTER 44

112 4 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Anong nangyari sa inyo?" Cooper angrily asked of the Men in front of him.

"K-kasi boss nasa sa'min na 'yung babae kaso naharangan kami ng kapatid." takot na sabi ng lalaking kumuha kay Addison.

"Eh, ano nga ang nangyari sa inyo? 'yung kapatid lang pala humarang, eh ba't lahat kayo baldado?!" galit na taong nanaman nito.

"Hindi lang po 'yung kapatid ang humarang kasama mga kaibigan niya pero meron pong nagpa putok ng baril bago 'yung kapatid nung babae." sabi nito kaya naman lalo nanggalaiti si Cooper sa mga narinig.

"Hindi ang kapatid niya ang gumawa sa inyo niyan?" tanong nanaman niya.

"Opo, pero hindi namin makita 'yung mukha ng maayos may nakatakip po kasi." paliwanag nito.

"Mga inutil, ang dami ninyo pero ang inuutos ko ay hindi niyo man lang nagawa, magsilayas kayo sa harap ko!" sigaw niya kaya naman takot na tumayo ang pitong lalaki sa loob ng underground ng mga Eddison.

"Casper tawagin mo sila Jett at Alexander ngayon na!" utos niya sa anak niya kaya naman sumunod na lang ang anak niya at hindi na lang nag reklamo.

Ilang minuto ang hinintay nila at dumating na rin ang dalawa. Magkasabay sila dumating kaya wala ng kailangang hintayin pa.

"Ano 'yon Tito?" tanong agad ni Miller kaya sumenyas si Cooper na umupo sila kaya naman ginawa nilang dalawa.

"Hindi ko sinabi ito sa inyo noong nakaraang araw pero ngayon ay sasabihin ko na, si Addison at Aubrielle ay iisa kaya naman gusto ko kayong dalawa ang gumawa para sa'kin ang gusto kong mangyari, dahil ang mga inutusan ko kanina ay mga palpak at inutil." sabi nito kaya naman pinigilan ni Miller ang kan'yang sarili at baka masagot niya ang kan'yang Tito.

"Ano po ang plano?" tanong na lang ni Miller kahit na ayaw niyang gawin ang pinag-uutos sa kan'ya ay walang siyang pagpipilian kung hindi sumunod. Gusto niya protekatahan si Addison sa lahat ng makakaya niya pero kailangan niya rin protekatahan ang pamilya niya dahil alam niya kung paano makipag laro ang Tito niya, dahil gagamitin niyang pang laban ang pamilya niya.

Kailangan niyang mag ingat sa lahat ng gagawin niya at dapat malinis para hindi mag suspetsiya ang Tito niya.

"Dahil alam kong nagtatrabaho ka sa Company nila at pinagmamalaki kita dahil napasok mo na ang Company nila, at alam ko rin na nagkasama na rin kayo sa iisang lugar kaya naman gusto kong gawin mo ay kunin mo pa ang loob niya at kapag nakuha mo na saka mo siya dalhin sa'kin." sabi nito kaya naman nag giit ang bagang nito sa gigil kung hindi lang siya kinalabit ni Jett ay baka nasuntok niya na ang Tito niya.

"At ikaw naman Jett h'wag puro babae ang inaatupag mo samahan mo si Alexander sa pinag-uutos ko." sabi niya kay Jett kaya naman tumango na lang siya at ngumiti ng pilyo

Tumingin naman Miller sa kan'ya at ngumiti.

"Iyon lang ba Tito? Sige po madali na lang naman iyon, eh." sabi nito pero gustong gusto niya ng lumuhod kay Addison para humingi ng tawad dahil nagiging duwag nanaman siya.

"Dapat lang Alexander na magawa mo ito ng tama dahil kung hindi mo naisaayos ang lahat alam mo na ang magiging kabayaran, at alam mo na ang pagiging taksil mo ay ang pamilya mo ang mapapahamak." sabi nito kaya tumango na lang si Miller at tumayo na ng upuan, yumuko muna siya bago umalis.

Sumunod sa kan'ya si Jett kung saan man siya pupunta.

"Alexander saan ka pupunta?" tanong niya at hinawakan pa ang balikat ni Miller pero nilingon lang siya na masama ang mukha at nakasalubong ang dalawang kilay.

"Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto kong sumigaw sa galit." sabi nito kaya naman tumango si Jett at inaya si Miller kung saan alam ni Jett na maiilabas ni Miller ang galit niya.

Season 2: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now