LECKZY'S POV
"Lecks, sure ka? Hindi ka talaga magla-lunch? Bilhan ka na lang kaya namin, tapos dito na lang din kami kakain para may kasama ka!" Hazel said. I shook my head.
"It's okay! Pagkatapos ko dito, pupunta agad ako sa cafeteria para mag-lunch. I need to finish this, para hindi ako pagalitan." I said.
Naglilinis ako ng C.R ng mga babae dahil yun ang punishment sa ginawa ko! Well, okay naman sa akin ito dahil hindi naman ganun kadumi ang C.R.
"Are you sure?" Izzy said. I nodded and continued what I was doing.
"Hay! Okay fine! Kita na lang tayo sa classroom. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang kami, okay!" Izzy said.
"Okay!" Sabi ko habang hindi tumitingin sa kanila.
Narinig ko ang yabag ni Hazel at Izzy papaalis. Malakas akong bumuntong hininga bago nagpatuloy ulit sa paglilinis.
Pagkatapos kong maglinis ay iniligpit ko na lahat ng ginamit ko. Papalabas na sana ako ng pinto ng biglang sumulpot sa harapan ko si Clark.
Inirapan ko sya at hindi na sana papansinin pero bigla nyang kinuha ang mga gamit panglinis na ibabalik ko sa stockroom.
"Let me help you!" He said. I looked at him intently.
"Anong kailangan mo?" I calmly said to him. Malakas syang bumuntong hininga.
"Can we----" Pinutol ko agad ang sasabihin nya.
"Talk? For what, Clark?! For the past?! Wala na tayong dapat pang pag-usapan tungkol sa nakaraan, wala rin namang magbabago!" Sabi ko at tinalikuran sya pero bigla nya akong hinawakan sa braso.
"I'm really sorry!" He said while looking straight into my eyes.
"Sorry? Sorry works when a mistake is made, but not when trust is broken. So in life, make mistake but never break trust. Because forgiving is easy, but forgetting and trusting again is sometimes impossible." I said and turned my back to him.
Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit sa stockroom ay pumunta na agad ako sa cafeteria para kumain ng lunch. Kanina pa kumukulo ang aking sikmura. Nakakainis.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa classroom namin. Buti na talaga vacant ang first subject namin ngayong hapon.
Pagpasok ko ay napansin ko agad and table na inuupuan ko na maraming nakalagay na flowers and chocolates. Tumingin ako sa lalaking katabi ko na nakadukduk ang mukha sa table.
Naglakad ako papunta sa aking upuan bago umupo dito. Malakas akong napabuntong hininga. Ano ba ang pakulo mo Clark?
Tinapik tapik ko sya sa balikat. Gumalaw sya bago hinarap ang mukha sa gawi ko. Pikit parin ang mga mata nya.
"Clark!" Tawag ko sa kanya at mahina syang tinapik sa braso. Hindi parin sya nagigising. Tatapikin ko na ulit sana sya sa braso nang bigla syang magsalita.
"I love you, Leckzy!" He said in a very low voice. Natigilan ako. Biglang dumaloy ang sakit sa aking dibdib.
Mabilis akong umiwas ng tingin kay Clark. Gulong gulo na Ang isip ko. Hindi ko alam kung papatawarin ko na ba sya o hindi?
"Ayy, sana all! Ang daming flowers at chocolate!" Chelsey said. Tumingin ako sa kanila. Papalapit sila sa akin. Naramdaman ko naman na gumalaw si Clark sa tabi ko.
"Oyy! Pahingi ako ng chocolate! Ayy! Clark, pahingi akong chocolate ha!" Chelsey said.
"Tanga!" Biglang binatukan ni Izzy si Chelsey sa ulo.
BINABASA MO ANG
The Reneged Promises (COMPLETED)
Teen FictionOld title: Ms. Chubby "I'm just another promise you couldn't keep" --LECKZY ***** Love cannot be written on paper because paper can be erased. It is not inscribed on stone, because stone is breakable. But it is etched on a heart of a people who lo...