Prologue

15 6 1
                                    

Prologue
Third Person's Point Of View

Do angels exist?

Have you ever wondered if there's an angel who's watching and guiding us?

Some of us believe that there's an angel, but some of us do not.

But I do believe one thing. Just one thing.

GOD EXIST.

"So let me get this straight lady...hmm..." Bulong ng lalaki at pasimpleng ngumiti. Pinasadahan niya ng tingin ang anghel na nasa harap niya.

The angel tilted her head. "What?" Mataray niyang tanong.

"Sa lahat ng anghel, sa tingin ko, ikaw na ang pinakamataray." tumawa ang lalaki.

Hindi naman kumibo ang anghel at sa halip at ginawaran lamang niya ito ng isang masamang tingin. Nang mapansin iyon ng lalaki ay humupa siya sa kakatawa at nanahimik lamang.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng bahay. Dinig na dinig ang tunog ng isang malaki at kulay gintong orasan.

"So you are an angel?" The guy chuckled. Hanggang ngayon ay punong-puno pa rin ito ng pagtataka. Sa tingin niya kasi ay niloloko siya ng magandang babaeng nakatayo sa kaniyang harapan.

"Yes I am." She said seriously. Wala pa ring ekspresyon ang kaniyang mukha dahil naiinis na siya.

"And you have a mission to change me?" Sarkastikong tanong ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi parin naniniwala.

Tinitigan niya nang maigi ang dalaga. Payat ito at hanggang balikat lamang niya ang tangkad. Napakaputi nito na animo'y naligo sa gatas. Ang mga labi nito ay kulay pink at kapansin-pansin ring may mga biloy ito sa magkabilang pisngi na talaga nga namang agaw pansin sa tuwing ito'y nagsasalita.

"Oo. Kapag nangyari iyon. Makakabalik na ako sa langit." Maligayang sambit ng anghel.

Naningkit ang mata ng lalaki. Ang bilis magpalit ng mood ng dalaga, kung kanina ay napakaseryoso niya pa ngunit ngayon ay masigla na.

Unti-unting ngumisi ang lalaki. Hinila niya nang malakas ang babae at walang pasabing bigla itong pinaupo sa kaniyang kandungan.

Pilit na nagpupumiglas ang babae. Ngunit hinigpitan lang ng lalaki ang hawak sa kanyang baywang. She suddenly felt his warm breath on her neck.

"What are you doing?" She whispered.

"Hmm...huwag mo na akong baguhin..." Saad ng lalaki at hinalikan ang leeg ng anghel. "Ako nalang ang magdadala sa'yo sa langit..." bulong niya.

"You want to feel heaven, baby? I'll let you feel it." He added.

Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa anghel at hinalikan ang labi nito.

Nanlaki ang mata ng babae at agad na tinulak at lumayo sa lalaki.

"See? Kaya nga dapat kitang baguhin! Ang manyak mo Asmodeus! Disgusting!" She shouted.

Humalakhak lang si Asmodeus at hinila ulit ang kamay ng babae ngunit hindi ito nagpatinag.

"Come here, sit on my lap again Angel. I won't kiss you na. I promise." Tawa ni Asmod.

Umiling lamang ang anghel at inilayo ang kamay niya. Nagtaas ng kilay si Asmod.

"Kung ayaw mo. Edi huwag." Ngising nakakaloko ni Asmod.

He cleared his throat. "Ano naman ang mapapala ko kung nabago mo na ako?" Nakakahalina niyang tanong.

"M-magiging mabait k-ka malamang..." The angel answered.

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now