Chapter 6

6 3 0
                                    

Chapter 6
Angel's point of view

Pretend

"Kapag natulog ka sa tabi ko, masaya na ako." dinig kong sabi niya.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang pagkulog.

"OMG!" napatalon ako at napakapit nang mahigpit sa kaniya. I hate this sound.

He chuckled.

"My angel is afraid of thunder." He whispered.

"A-asmod---" naputol ako sa pagsasalita dahil sa lakas ng kulog. Pumikit ako nang mariin at isinubsob ang mukha ko dibdib niya. Goodness!

"Hey... I thought, you love rain." naramdaman ko naglakbay ang mga kamay niya sa bandang likod ko upang mayakap rin ako.

"Yes, pero ayaw ko sa kulog! Ulan lang ang gusto ko!" humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Asmod! Umuwi na tayo!" pahabol ko.

Narinig ko siyang tumawa nang mahina.

"Alright. Mukhang takot kana nga, ayaw mo na akong bitawan." Sabi niya.

Naramdaman kong uminit ang aking pisngi. Nakasubsob pa rin ang aking mukha ko sa kaniyang dibdib.

Nagulat ako dahil lumayo siya sa akin. Ang akala ko ay maglalakad na siya ngunit muli siyang lumapit siya sa akin at walang pasabing binuhat ako na parang pang-kasal.

This is the first time that he carried me with this style, madalas kasi ay binubuhat niya ako na parang sako ng bigas.

"What are you doing?" I asked him.

"Hawakan mo ang leeg ko upang makakapit ka. I'll take you home." he smiled. Tumutulo pa ang basa sa mahaba niyang buhok, napalunok ako.

Hindi ko iginalaw ang aking kamay, nanatili lang ito sa aking dibdib. Sumulyap ako sa kaniya at nakita kong kinagat niya ang kaniyang ibabang labi.

"Kumapit ka sa leeg ko, para hindi ako mahirapang buhatin ka." ulit niya. Umiling lang ako.

Ngumuso siya. Mukhang hindi naman na niya ipipilit na kumapit sa kaniya right? Nagsimula na siyang maglakad nang biglang...

"Aaaahh!" Napakapit ako sa kaniyang leeg dahil binitawan ba naman niya ako habang naglalakad at sinalo ulit.

"There, there. Kakapit ka rin kasi, pahihirapan mo pa ako." ngumisi siya at nagpatuloy sa paglalakad.

The wind is bitterly cold. The rain is falling heavily, and the thunder is still frightening me. Yet here I am, buhat-buhat ako ni Asmod habang naglalakad patungo sa kaniyang kotse.

Ibinaba niya ako sa harap ng pintuan ng kaniyang kotse. Binuksan niya ito at inalalayan ako papasok sa loob.

"Teka lang!" pigil ko sa kaniya. "Basang-basa ako! Ayos lang ba sa iyo na mabasa ang loob ng kotse mo? I am so wet."

"Really?! You are wet babe?!" he asked eagerly.

"Yes, look!" ipinakita ko sa kaniya ang basa kong damit. Tumingin ako sa kaniya. Nagtaka ako dahil nakataas ang mga kilay niya habang nakangiti nang nakakaloko.

"You are wet huh?" hinawakan niya ang labi niya.

"Yes! Paulit-ulit---" I stopped.

"Damn innocent, Angel."

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now