Chapter 25

7 3 0
                                    

Chapter 25
Chance

Angel's Point of view

Inilapag ko ang juice at ang meryenda sa center table. We are here at the living room, nakaupo ang mga magulang niya sa sofa habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng T.V. Malamang ay magiging awkward ang mga sandali dahil wala naman akong alam sabihin sa mga magulang niya.

"Kain po kayo..." Anyaya ko.

Tumango lang sila at ngumiti. Hapon na at isang oras na lang ay pauwi na si Asmod. Nagreply din siya sa akin kanina.

Handsome Demon:
Really? Wow, I'll come home earlier today. Hintayin ninyo ako.

Napanguso ako.

Me:
Anong sasabihin ko sa kanila?

He replied after 3 minutes.

Handsome Demon:
Talk about the wedding of course, plan something like the venue and all.

Napailing na lang ako. Akala ko ba ay hindi naman ganoon kagarbo ang gagawin naming kasal. Dapat simple lang pero mukha atang balak niyang ipa-billboard ang kasal namin.

"Angel, ang sarap naman ng sandwich na ito!" Sabi ng mama niya.

Napatingin ako sa kaniya, she's smiling at me. Ganoon din si tito.

"Hala, salamat po." Ngiti ko rin.

Nanonood kami ng movie sa netflix, ewan ko kung ano itong pinili ni Tito pero basta baliran ata mga ganon, action something.

"Iha, kamusta ka?" Tita asked.

I cleared my throat. Sana huwag na silang magtanong ng marami dahil wala akong masasagot.

"Ayos lang naman po ako. Kayo po ba?"

Oh ghosh?! Bakit ko sila tinanong kung kumusta sila, ang awkward! Asmodeus! Please come home!

"Kami?" Halos natawa pa ang papa ni Asmod. "We are fine." They laughed.

I just nodded.

"But seriously, thank you for taking care of our son. And also, for helping him to change himself. We are so lucky to have you." Tito said.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Paano ko ba sasabihin sa kanila na misyon lang ang lahat? O kaya gumawa na lang ako ng kwento.

"Ah!" Tawa ko. "Wala po yon, trabaho lang."

Katahimikan ang bumalot sa amin. Tumingin sila sa akin nang nakakunot ang noo or should I say na si tito lang, si tita kasi ang normal lang siya.

"Trabaho?" He asked.

Oh! Ohmyghash! Trabaho? Bakit ko ba sinabing trabaho?!

"No! No! I mean... Uh..." Anong sasabihin ko?!

Naghihintay sila ng aking isasagot.

"Hindi po trabaho, parang ano lang uh... Tulong. Ganon po. Hehe. Tinulungan ko lang po siyang maging mabuting tao para kapag umalis ako ay wala ng problema."

Muli na naman silang nagtaka.

"Aalis ka? Saan ka pupunta iha? Akala ko ba ay ikakasal pa kayo?" Tanong niya ulit.

Oh ghish! Nadulas na naman ako! I am not good at lying!

"Aalis po, ibig kong sabihin ay kapag di ko siya kasama ay mabuti pa rin siya." I answeed.

Please stop na! Ayaw ko na, wala nako alam!

"I get it. Para hindi na magkaproblena kapag kasal na kayo dahil magiging tatay na siya nun. He should be a best father. Hindi pwedeng palakihin niya ang anak ninyo sa kasungitan." Napatango-tango ang papa niya.

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now