Chapter 11

5 3 0
                                    

Chapter 11
Hair

Angel's Point of View

"Hindi ba si Asmodeus 'yon?" 

"Saan?"

"There oh! He's with his twin cousins! Ang cute!" 

Napatingin ako sa bandang likod namin. May dalawang babaeng nagbulungan at tuwang-tuwa pa habang nakatingin kay Asmod.

"Ang gwapo ni Asmod! Ngayon ko lang siya nakita sa simbahan. Kung hindi lang 'yan masungit, baka ex ko na 'yan." Bulong ng isa.

Hindi ko ulit sila maiwasang tingnan. Pasimple ko silang sinulyapan. 

"Ano ka ba, ayaw ni Asmod sa mga pangit. Ako, ako ang tipo niya. Pa-hard to get nga lang siya minsan." pagmamalaki ng isang dalagang mukhang scary doll. 

"Paano mo naman nasabi 'yan girl, eh halos wala ngang dumidikit na babae diyan dahil war maker." pagchichismis ng isa.

Pinalo siya nang bahagya ng kasama niya. "Ano ka ba, nakasayaw ko na siya dati sa isang bar, kaya lang masungit talaga, hindi man lang nagsasalita, dedma lang." 

Napatingin naman ako kay Asmod dahil bahagya siyang gumalaw. His jaw clenched.

Hindi pa rin tumigil sa pagdadaldalan ang dalawang babae, hinayaan ko na lang sila at nakinig na sa pagtatalakay sa simbahan. Ilang saglit pa ay lumingon naman si Asmod sa dalawang babae sa likod niya.

"Ay hala, nakatingin siya sa akin." pag-aassume ng isa.

"Hindi! sa akin siya nakatingin!" the other scary doll giggled.

"Both of you, shut up. Kung gusto niyong magchismisan, doon kayo sa labas." nagulat ako sa biglang sinabi ni Asmod sa mga babae.

Muli akong lumingon at nakita kong nakanganga na lang sila. Umayos na ng upo si Asmod at nakinig na ulit.

Bakit ba nakanganga sila diyan na parang tanga? Kanina, kung makapagdaldalan sila akala mo nasa chismisan area.

Ayan chismis pa more. Ang saya 'diba?

Halos isa at kalahating oras lang ang itinagal namin sa simbahan. Agad na rin kaming lumabas pagkatapos. 

"Kuya Asmod, I heard those two girls a while ago, they are talking something about you." kinalabit ni Tova ang baywang ng kuya niyang halos wala namamng pakialam.

"Just don't mind them." sagot niya at tumingin sa harap. 

Palabas na kami ngayon at halos nagkumpol-kumpol na ang mga tao. Pero ramdam ko pa rin ang maiingay na bulong ng dalawang babae kanina na sa tingin ko ay nasa likod pa rin namin.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang may tumawag sa kambal. Nandirito na pala ang mga magulang nila, hindi kasi namin sila kasabay kanina dahil nga masyado silang matagal at nakakainip na daw sabi ni Tora. 

"Hi mommy!" bati nila kaagad.

I also waved my hand to them. Si Asmod naman ay mukhang badtrip pa rin dahil sa pagchichismisan ng dalawang babae kanina.

"Wow, this is new huh? The Prince of Delgados is here at the church. Bakit parang ngayon lang kita nakita dito." tanong ng mommy ng kambal.

"Sumama lang po ako." sagot niya at ngumiti.

"It seems like you and your Angel are really meant for each other huh? Naaamo ka niya." 

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now