Chapter 13

8 3 0
                                    

Chapter 13
Magluto

Angel's Point of View

"No, we both made it a home, hindi lang naman ako Asmod. We made this, together." ngumiti rin ako.

Malamig ang gabi. Umiihip ang hangin at sumasayaw ang mga dahon sa puno. Unti-unting tumingala si Asmod at tinitigan ang mga bitwin at buwan. Ganoon rin ang aking ginawa. Pinagmasdan ko ang liwanag ng buwan. Sa katunayan nga ay kulay golden or yellow ito. Napapalibutan siya ng mga nagniningning na bitwin.

"Look at how beautiful the moon is... and the stars."
I whispered.

He cleared his throat. "I am a bit worried." panimula niya.

"Worried of what?" I am confused.

"I am worried because I am not sure, if you are gone, this place will never be a home anymore."
seryoso niyang saad.

"No! Don't say that. I told you already right? If I'll leave your side, it means, you don't need me anymore, your life is complete. You and your family and your friends or even your future wife to be, you will all make this a home." kinagat ko ang cookie. "So, don't worry, okay?"

"How can you say all of that like you are fine at all. While here I am, wishing for you to stay with me until the end." kinain niya rin ang cookie na hawak niya.

"Ano ka ba naman, siyempre mahihirapan din ako. Pero hindi naman pwedeng dito lang ako habang buhay. Someone is waiting, God is waiting, they are all waiting for our success---" he cut me off.

"I mean... can't you just stay right here even though the mission is over? Stay with me."
hinawakan niya ang kamay ko. "Please, huwag mo naman akong iiwan. Paano kung magbalik ako sa dati? Ano ng mangyayari sa akin?"

I can't help but to laugh. "Why are you laughing?" Kumunot ang noo niya.

"Ang kulit mo talaga Asmodeus!"
tawa ko. "It's funny that you don't want me to leave you unlike before, you are pushing me away."

Nalaglag ang panga niya sa aking tinuran.

"Something is kinda weird with you. Baka nga na-in love kana sa akin, kaya ayaw mo na akong mawala." I chuckled.

He is still serious like hell. Hindi man lang niya binitawan ang kamay ko. Hinintay ko ang sagot niya pero wala. Maybe, he has a crush on me but he's not in love with me. Inalis ko na lang ang tingin ko sa gwapo niyang mukha.

"What if I am?" biglang sabi niya.

"Huh?" ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya.

"What if I am, would you stay with me?" he asked again.

Nalilito ako sa sinasabi niya. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa mga mata niya.

"What if I am in love with you, hindi mo na ba ako iiwan?"
he held my hand tigther. "Please, tell me. Tell me that you won't leave me anymore so that I don't have to control or stop what I am feeling for you."

Napakurap-kurap ako. HIndi ko alam ang sasabihin ko. He's not serious with what he said, isn't he? Oh ghosh, he can't be in love with me, I did not prepare for this thing to happen. I mean, come on! Let's face it, I am an angel and he's a man, we can't be together. Iiwan ko siya, aalis ako. Walang patutunguhan ito.

"But, yeah, who am I kidding. I am a demon, you are an angel. There's no way you will fall for me."
pambabawi niya ka agad. Binitawan na niya ang aking kamay at tumingla na siyang muli.

"No! It's not like that!" sabi ko.

"So, does that mean na pwede mo rin akong mahalin? At hindi mo na ako iiwan? Sabihin mo lang, gagawin ko ang lahat."
mabilis siyang humarap sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Hinaplos niya ito nang marahan.

"Uh, no... I am not the one for you. Maraming babae diyan, 'yong walang---"


"But, I don't want them, you know that. I... I can't even talk to them the right way. Naiirita ako sa kanila." he paused and looked at my eyes, directly. "Sa iyo lang ako hindi naiirita." he added.

"P-pero---"

"Huwag na nga nating ipilit. Masasaktan pa rin ako kahit mahalin mo ako o hindi." he smiled painfully and let go of my face.

Umayos siya ng upo at tumikhim.

"Your cookies are great. Masarap." he comented and ate one again.

I did not answer, I am still wondering of what happened a while ago.

"Hey... come on. Huwag mo ng isipin ang nangyari kanina. Just forget everything."
aniya. he tilted his head while watching me push myself a bit, away from him.

"Anong ginagawa mo?" humalakhak siya. "Takot ka ba? Hali ka nga dito." hinila niya ako papalapit sa kaniya. He snaked his arms around my waist. "Don't be afraid please, huwag mo naman akong layuan." bulong niya sa gilid ng tainga ko.

Tumango lang ako. "Good." he stated and pinched my cheeks.

"So, uhmm, bakit nga ba maaga kang umuwi kanina?" pag-iiba ko sa usapan. "Hindi ka naman siguro nag-cutting, 'diba?"

He sunddenly smirked. "Nag-cutting classes ako." he replied.

"What?!" hinampas ko ang balikat niya.

"Joke lang." he laughed. "Nag-pa exam kanina at maaga aong natapos kaya umuwi na ako kaagad. Grabe 'no, October na. Halos tatlong buwan na akong nagtitiis sa kakulitan mo." pang-iinis niya pa.

"Ang kapal mo nga naman talaga, ako kaya itong nagtitiis sa iyo, duh." kumuha ulit ako ng cookie at kinagat ito. "Sigurado ka bang tama ang mga sagot mo sa exam? Baka mali naman huh, lagot ka sa akin." nagulat ako dahil kinagat din niya ang cookies na hawak ko, malapit lang kasi ito sa mukha niya. Hanggang ngayon ay yakap niya pa rin ang baywang ko.

"I've got 3 mistakes though. Not bad." pagmamayabang niya pa. "Alam mo ba, naisip ko lang, bakit hindi ka na lang rin mag-aral katulad ko? Nakakainip sa room kapag vacant time, wala akong maka-usap na hayop." pang-aasar niya ulit.

"May saltik ka talaga! Mapanakit ka ng damdamin." pinagpapalo ko ang balikat niya sa pangalawang pagkakataon.

"Aray ko! Ikaw nga diyan, mapanakit ka talaga! Literal!"

Tumigil lang ako saglit para tingnan siya. Hindi niya kasi ako pinipigilan sa pagmamalo ko sa balikat niya at sa halip at ipinatong niya pa ang ulo niya sa balikat ko then he closed his eyes. Kaya naman nakaramdam ako ng inis at hinampas ang pagmumukha niya.

"Damn-damin!" sigaw niya. "Hinayaan na nga kitang paluin ang kamay ko, pati ba naman ang gwapo kong pagmumukha pagdidiskitahan mo? Gusto mo bang halikan na lang kita para tumigil ka." ngumuso siya.

"Kadiri ka!" Tumawa ako at inirapan na lang siya.

I am so happy tonight. O should I say, this day. Tinulungan niya akong maglinis at mataas ang score niya sa exam nila kanina. Hindi pa rin siya nagmumura at umiinom ng alak. Amazing!

Kinabukasan ay pumasok ulit siya sa school nila, ngunit bago siya umalis ay nakasanayan na ata niyang halikan ang pisngi o di kaya ang noo ko. Mukhang wala naman iyong ibig sabihin sa kaniya kaya hinahayaan ko na lang.

Bumili ako ng mga sangkap para sa lulutuing sinigang ni Asmod mamayang kauwi niya. Tuturuan ko siyang magluto ngayong linggong ito para naman next week, magtutulungan na kami sa gawing bahay. Oh diba, magic.

Karne, check, sampalok, check, kangkong, check...

"Bulaga."

"Aaaahh!!" napasigaw ako ng biglang sumulpot si Asmod sa likod ko. Tinitingnan ko kasi ang mga ingredients kung kumpleto na.

"What are you doing?" he asked. "Too busy huh?" inalis niya ang bag niya at inilapag ito sa lamesa.

"Yes."

"Really? Ngayon ka pa lang magluluto ng hapunan? 7 pm na ah!"
takang sabi niya.

"Excuse me, I am not going to cook this Sinigangang, you will."


"Ako? Bakit ako? Gusto mo bang kumain ng pagkain ng mga aso?"
tawa niya.

"You can do this! Ikaw pa, now go upstairs and change your clothes. Mamaya mo na lang gawin ang mga assignments mo."

Muli niyang kinuha ang bag niya. "Wala kaming assignment ngayon, kaya nga gabi na ako nakauwi dahil group projects ang lahat, mabuti na lang at natapos na." he explained.

I just nodded and let him go upstairs to change his clothes. Ilang saglit pa ay bumaba na siya.

"Sigurado ka bang ako ang magluluto?"
bungad niya sa akin. "May ilang minuto ka pa para baguhin ang desisyon mo."

"Sira!" pinalo ko ang balikat niya.

"Oh, ayan ka na naman! Nananakit ulit, ano bang unang gagawin dito?"
hinawakan niya ang mga sangkap.

Mabilis akong lumapit sa kaniya na dala ang kutsilyo at cutting board. Inilapag ko ito sa lamesa. "Hihiwain ko muna ang ilan sa mga ingredients at pagkatapos, ay ikaw naman ang manghihiya sa mga natira, maliwanag ba?"

He nodded and stay on my back. I am busy cutting the pork when he slowly snaked his arms around my waist and rested his chin on my shoulder.

"Ganito lang dapat ang size ng karne..." I stopped for a while and looked at him.

Tumingin rin siya sa akin at nagtaas ng kilay na para bang nagtatanong kung bakit ako tumigil.

"No hugs from the back please, I can't concentrate."
I uttered seriously.

"Oh, ganon ba?" tanong niya.

"Oo, lumayo ka muna." sagot ko.

"Kung yakapin na lang kita sa harap mo."
he mumbled.

"Are you kidding me?!"
itinutok ko sa kaniya ang kutsilyo. Mabilis siyang lumayo. "Sige! Subukan mo akong yakapin ngayon! Makikita mo si San Pedro!" I warned.

"Heto na, titigal na! Put-spa naman! Aatakihin ako sa iyo!" inis niyang sambit. Lumayo siya sa akin at pinanuod akong maghiwa.

Hiniwa ko ang karne, pati na rin ang kangkong. At pagkatapos ay inabot ko sa kaniya ang kutsilyo upang siya naman ang maghiwa ngunit nanlaki lang ang mga mata niya at lumayo sa akin.

"Hindi na nga kita niyayakap, sasaksakin mo pa rin ako!"
sigaw niya.

Tumawa ako nang malakas. "Hoy! Anong ginagawa mo! Kunin mo itong kutsiilyo! Maghiwa kana!" tawa ko ulit.

Napakamot siya sa kaniyang ulo at hinawakan ang kutsilyo, medyo takot pa rin siya kaya pinitik ko ang noo niya upang bumalik siya sa katinuan. Nagsimula na siyang maghiwa at ginaya lang niya ang sa akin. Not bad for a first timer, parang may skills siya sa pagluluto, lumapit pa ako nang kaunti upang makita kung paano niya hiwain ang kangkong. Mabilis ang kaniyang mga galaw but he stopped.

I heard him sighed.

"What's wrong?" I asked.

"Pwede bang lumayo ka muna sa akin, I can't concentrate as well."
He whispered.

"How come?! I am not even hugging you! Ako nga kanina niyayakap mo pa."
sabi ko naman.

"Naakit ako sa amoy mo, amoy ng leeg at amoy ng buhok mo."
he said. "Your smell makes want to stop everything what I am doing and just hug you for a cuddle, you want that or not?" inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Umiling na lang ako at lumayo sa kaniya.

Grabe, bakit ganoon, ang gwapo niyang tingnan!

Hinugasan niya ang mga sampalok at ang mga sangkap. Inutusan ko rin siyang kumuha ng kaserola, nilagyan niya ito ng tubig at pinakluan.

"Ilagay mo na ang karne."


Tumango siya at ginawa ang sinabi ko. Ipinalagay ko na rin ang sampalok at nang lumutang na ang mga ito ay ipinadikdik ko sa kaniya sa isang lalagyan upang lumabas ang asim nito. Nilagay niya na rin ang mga gulay. Habang kumukulo ay ipinahiwa ko na ang puso ng saging. After how many minutes, naluto na ito.

"Tikman mo nga." lumapit siya sa akin at sinubuan ako.

Ang sarap! Ang asim! Tama lang ang timpla! Sobrang sarap!

"Asim kilig!" sagot ko.

Ngumiti siya, "Sa akin ka lang niyan kinikilig, sinisi mo pa ang Sinigang."

Hinampas kong muli ang balikat niya!

Nakakainis! Napakagwapo! Sobrang gwapo ng nilalang na ito.

Tutulungan ko sana siya sa paghahanda ng makakain namin pero pinigilan niya ako. Pinanghila niya ako ng upuan at pinaupo roon.

"Pagsisilbihan muna kita." bulong niya sabay halik sa pisngi ko.

"Bakit palagi mo ba akong hinahalikan?!" reklamo ko.

"Kasi nakakaakit ka. Kung naiinggit ka, pwede mo rin akong halikan hanga't gusto mo, hindi ako magrereklamo kundi magpapasalamat pa ako." he winked at me.

Sinapo ko na lang ang ulo ko gamit ang aking kamay, minsan talaga may pagkabaliw siya.

After he prepared the table, I led the prayer before eating. This Sinigang is really delicious, in fact, it's tastier than mine. I can't believe it, maybe after a while, he will be pro at cooking.

And lots and lots of girls will fall for him. No way please, paalisin niyo muna ako bago niyo siya landiin. For now, he's just mine

"Iniisip mo na naman siguro ang kagwapuhan ko 'no?" napaitlag ako sa pagiging tulala nang napansin niya iyon. I just rolled my eyes. DUh.

"Ang sarap ng luto mo." sabi ko makaraan ang ilang minuto.

"Salamat pero mas masarap pa rin ang halik ko. Subukan mong mang tikman?" muli niyang inilapit ang mukha niy sa akin kaya lumayo naman ako.

"Pwede ba, ayaw kong makatikim ng ampalaya, tsaka na." I joked.

"Ampalaya? Wait what? Why?" nagtatakang tanong niya.

I just laughed. Bahala kang mag-isip diyan.

"Anong gusto mong lulutuin bukas?" I asked him.

We are done eating and washing the plates. We are here at his room to pray before we sleep.

"Ewan ko? You decide." umupo siya sa kama niya at mabilis akong hinila sa kaniyang tabi.

"Ampalaya?" I asked.

"You want that?" pinagapang niya ang kamay niya sa baywang ko at ipinatong niya ang baba niya sa aking balikat.

"Yes, it's been how many months since I ate ginisang Ampalaya, why don't we try it tomorrow." sagot ko.

"That's bitter, hindi masarap." saad niya na para bang hindi ko alam.

"Masarap iyon, akong bahala, I'll teach you the right way to cook it para hindi masyadong mapait."

"Hmm?" he paused and smelled my neck. "Okay fine, whatever you want. Maaga akong uuwi bukas para makapagluto tayo kaagad. Unlike this night, late na tayong naghapunan."

Ah! Oo nga pala, dahil nabanggit niya na rin ang pagiging late niya sa tuwing uuwi siya ay dapat niya akong i-text para hindi ako mag-alala.

"Hey... if ever you'll go home late, inform me all right?" I looked at him. He's just on my side.

"Sure, I will. Na-lowbat kasi ako kanina kaya hindi ako nakapagtext. Pasensya na."
he chuckled. "Bakit, namimiss mo ba ako kaagad?"

"Ha? Hindi ah! Tigilan mo nga ako Asmod!"
inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at lumuhod na sa ibabaw ng kama niya. "Come on, let's pray. I'll lead the prayer."

Ngumuso lang siya habang nakatingin sa akin.

"I want to hug you more." he uttered.

Umiling lang ako. "Inaantok na ako, let's pray na."

"Sige na nga." lumuhod na rin siya sa aking tabi at pumikit.

Nagsimula na akong manalangin. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil sa bawat araw na lumilipas ay nagiging mabuti na si Asmod. Hindi na gaanong matigas ang ulo niya at masipag na siya. He knows what's the right thing to do. And I am so proud of him.

"...amen." we both said.

I slowly opened my eyes and so him staring at me. He's smiling sweetly while his eyes are directly looking at me.

"What's wrong?"

"Nothing, you are just so pretty. I wonder if some Angels have a crush on you and admiring you from a far, kasi kung ako, baka nga asawa na kita." tuloy-tuloy niyang sambit habang nakatitig pa rin sa akin.

My jaw dropped. How can he say those words in front of me. Hindi ba siya kinakabahan o nahihiya man lang, kasi bruh! Nakaharap lang ako sa kaniya.

"Maganda ka pala talaga." dagdag niya. Kumuha siya ng unan at niyakap ito while still looking at me.

He is so cute!

"Funny, how you said before that I am ugly and now, you are telling me that I am pretty? Is this some kind of joke or what"
I laughed.

"You are so gorgeous. How come your eyes are sleepy yet stays more attractive at the same time? It's unfair." Humigpit ang yakap niya sa kaniyang unan.

"Aba! Ewan ko sa iyo! Matutulog na nga ako! Baka malusaw ako sa kakatitig mo sa akin."
Tumayo na ako at umalis na sa kama niya. Mabilis naman siyang sumunod at hinawakan ang aking kamay.

"Tara na, ihahatid na kita sa kwarto mo." He said.

"What? This is really new, hindi mo ba ako pipiliting matulog sa kwarto mo?" Tanong ko habang naglalakad. Bigla siyang tumigil. He suddenly smirked.

"Bakit? You wanna sleep with me? Just tell me, pipilitin kita sige. O kaya, buhatin na kita sa kwarto ko ngayon." Bulong niya.

"A-ayaw ko! B-bahala ka! Sawa n-na ako."
Lumayo ako sa kaniya.

Humalakhak siya. He opened the door of my room and let go of my hand.

"Good night my Angel." Ngiti niya.

Pumasok na ako sa kwarto ko at humarap sa kaniya. Tumingkayad ako at hinalikan ang pisngi niya.

"Thank you and good night my demon." I whispered.

Omyghash! What happened to his face! It's like there's a ketchup poured in this handsome creatures face! Wow! Wow! Wait! Is he blushing? For real?

"Sige na. Hihi. Tulog na ako." I giggled and I was about to close the door when he said something.

"Saglit lang..." Mabilis niya akong hinila papalapit sa kaniya. Inilagay niya ang braso ko sa batok niya at naglakbay muli ang kamay niya sa aking baywang.

"That's not fair. Really." He said. "Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na halikan ang pisngi mo tapos, ikaw, bigla mo lang akong hinalikan?"

"A-and so?"

I am nervous! Again!

"And now. I am gonna kiss you."
Tiningala niya ang mukha ko. He bit his lower lip before kissing my forehead.

He also kissed both of my cheeks, my neck, back to my jaw then my eyes and nose and my forehead again! He showered me more and more kisses except my lips. I can't help but to smile.

Pinipigilan niya ang sarili niyang halikan ang labi ko kaya bumabawi siya sa paghalik sa buong mukha ko. Nice game demon.

Kinabukasan ay maaga akong nagising katulad ng aking nakasanayan. Nagtungo ako sa banyo ko upang magmumog muna at maghilamos. Inipit ko na rin ang buhok ko ng isang bun. Ang plano ko talaga ay neat bun pero sadyang mahaba at makapal ang buhok ko, kaya naging messy bun na lang at itsura nito. Hinayaan ko na lang dahil maayos naman siyang tingnan.

Bumaba na ako at laking gulat ko nang madatnan na nakaayos ang lamesa. May mga pagkaing nakahain na rito. Lumapit ako, I saw Asmod getting plates.

"Magandang umaga anghel." lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. "Pero mas maganda ka pa sa umaga." ngisi niya na siyang nagpainit sa aking pisngi. My heart is racing again.

Tumikhim ako. "So, uhmm, you've cooked all of this?"

"Yes, mukha bang masarap?" tanong niya, tumango lang ako.

Hotdogs, ham and eggs ang ulam. Maayos ang pagkakaluto at sa totoo lang, mas maayos pa sa hinhain ko araw-araw. Nahiya tuloy ako. Nagsaing rin pala siya. Oh wow, marunong na siyang magsaing!

Ipinanghila niya ako ng upuan at umupo rin siya sa aking tabi. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. Tinitingnan ko lang siya habang ginagawa niya iyon. How handsome!

"Alam kong gwapo ako pero sige na nga, hindi na kita pipigilang titigan mo ako, gusto ko rin naman." aniya.

Napaiwas ako ng tingin at muling tumikhim, narinig ko ang mahinang tawa niya. After a while he led the prayer. Bakit ba kasi ang gwapo niya, dapat pangit na lang siya.

Pagkatapos manalangin ay nagsimula na kaming kumain. Indeed, this breakfast meal is so delicious. It actually taste better than mine. I don't even know how he did this, parang magic.

"Bakit hindi sunog?" kinuha ko ang sunny side up egg. Ang puti nito at kulay dilaw sa gitna, half cooked lang and it's almost a perfect circle.

"I will take that as an insult, kapag ba ako lang ang magluluto, kailangan sunog na agad?" Kumuha siya ng hotdog at kinagat ito. "I am now excited with the 'ginisang ampalaya' later. Sana masarap din, si Nanay Aylin kasi dati, mapait talaga magluto ng ampalaya, pati siya, ayaw niya ring kainin." he laughed.

I watched him laughed and eat. He's just normal yet I know that something is really diferent with him since he cut his hair.

"Aaaahhh..." aniya habang itinutok sa akin ang kutsara niya na may kanin at ulam.

"Anong 'aaaahhh'?"

"Kanina mo pa talaga ako tinititigan. Hindi ka na kumain kaya sususbuan na lang kita." ngiti niyang nakakaloko.

"Ayaw ko, ewan ko sa iyo." I just rolled my eyes and continue to eat my breakfast.

Natapos na kamin kumain at ako na ang naghugas ng plato dahil nga may klase pa siya. Hindi pa kasi siya naligo at nagbihis, baka mahuli pa siya sa klase.

Nagmamadali siyang bumaba. Hindi na niya sinuklay ang buhok niya dahil kahit magulo ito ay maayos pa ring tingnan, mas maganda pa nga kung magulo ang buhok niya kaysa noong mahaba ito. He's wearing his uniform and black shoes. Mukha talaga siyang mabait na estudyante.

"Angel..." he called me. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. "Bye, aalis na ako. Huwag mo akong mami-miss huh," pang-aasar niya pa.

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now