Chapter 3

8 5 0
                                    


Chapter 3
Angel

Asmodeus' Point Of View

How the hell can I get rid of that crazy girl?

Tangina, she's freaking me out almost everyday. I don't know where the heck she can get all the information about me, basta magigising na lang ako bigla na may bobo ng gumagambala sa akin.

"Good morning Asmod!"

"Putang..." Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil isinubo na niya sa akin ang tinapay na may palaman.

Paano siya nakapasok sa bahay ko? Ang aga-aga, nambubulabog siya.

"Hey, don't say bad words, Asmodeus. Those are not good and God is watching you all the time. Siguradong malungkot iyon kapag nagmumura ka." She explained.

Kinuha ko ang tinapay na isinubo niya sa akin at kinain ito. Not bad huh? This sandwich taste delicious.

"Papasok kana sa university?" Tanong niya at hinawakan ang aking kamay. "Kumain kana para hindi kana ma-late! Iyan ang una nating babaguhin sayo. Huwag ma late!"

Hinila niya ako sa may upuan at pinaghanda ng pagkain.

"Wait a second." I stopped her. "Why are you here?" I asked. She just smiled. "Hindi ako nahuhuli sa klase ko! Maaga kaya ako palagi!"

"Really? Halos di ka mo nga kayang magising at bumangon sa higaan mo noong highachool ka hanggang first year college. Tapos sasabihin mo sakin na hindi ka nahuhuli sa klase?" She shrugged.

My jaw dropped. Paano niya iyon nalaman. Does she have magic or something?

"Are you my stalker?" Nanliit ang aking mga mata habang nagtatanong.

"What?!" Gulat niyang saad. "Hindi 'no! I just know that!"

Hindi na siya makatingin ng diretso sa akin at halatang kinakabahan siya. Sabi ko na nga ba! Baliw ang babaeng ito!

"How? How did you know me?" I said seriously. Biglang namula ang kaniyang mukha at bumuntong hininga siya.

"Of cousre, I know you! I am your Angel since then!" She uttered enthusiastically.

Nawala ang ngiti sa aking labi. Hindi totoo ang mga anghel. Kung totoo man sila ay wala silang mga kwenta. Ni hindi nga nila iniligtas si Nanay Aylin noong nagkasakit siya.

"Hoy! Alam ko ang iniisip mo! You are a bad guy! How can you think such things like that! Angels are real!" Malakas niyang sabi sa akin habang hawak ang tinidor na may hotdog.

Paano niya nalaman ang iniisip ko. She's damn creepy! Baka demonyo talaga ito at hindi anghel.

She put some rice, fried eggs and hotdogs on my plate. Kumuha rin siya ng kaniya at umupo sa gilid ko.

Ang kapal nga naman ng mukha niyang makikain pa rito sa pamamahay ko!

"Let's pray na and then let's eat!" She scoffed.

"Get out---" inilagay niya sa labi ko ang index finger niya.

"Hush now. We're about to pray." Ngiti niya. "So, close your eyes." Hinaplos niya ang aking mga mata gamit ang kaniyang malambot na kamay.

"Dear God and Heveanly Father, we thank you for this food that you've given us..."

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko siyang nananalangin. Nakapatong sa lamesa ang kaniyang siko at magkadikit ang kaniyang palad.

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now