Chapter 26

10 3 0
                                    

Chapter 26
Bagong simula

Asmodeus' Point Of View

"Asmod, pwede ka bang makausap?" Tanong ni mama.

I looked at her. She looks so serious this time.

"Yeah. Anong meron ma?" Tanong ko rin.

"You know what, I should just leave you all here, titingnan ko lang ang phone ko sa loob." paalam ni Angel. 

Doon na ako nakaramdam ng kakaiba. Mukhang alam na niya ang pag-uusapan namin ni mama. Well, my father is also here. Baka may sasabihn rin siya sa akin.

Pinagmasdan ko si Angel habang naglalakad siya papasok sa beach house. Kahit nakatalikod lang siya ay alam kong maganda talaga siya. She is a walking goddess.

She's wearing a blue spaghetti strap top and black short. Simple yet she looks really elegant. From head to toe.

Oh God, please, tell your angel to stay with me until the end. Please.

"Mahal mo talaga siya 'no?" My mom asked.

"Oo naman." Sagot ko habang nakatingin pa rin kay Angel. Kumaway pa siya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Napangiti ako, she is so cute.

"Asmod. We are so sorry."

Napatingin ako kay mama. Tears are forming in her eyes.

"I am sorry... I am sorry..." Paulit-ulit niyang sabi.

"Sorry for what, ma?" Nagtataka kong tanong.

"We are sorry for everything." Si papa naman ngayon. Umupo siya sa aking tabi.

'Everything' they are sorry for everything. Humihingi sila ng tawad sa lahat ng mga nagawa at hindi nila nagawa sa akin simula pa noon.

"Ever since you were born, things started to change. But one more thing that remained permanent is my happiness. Our happiness. The moment that I saw you, I know, I love you, you are my son." Unti-unti ng tumulo ang kaniyang mga luha.

All my life, I thought, I am just nothing.

"Hindi namin alam ng mama mo kung paano ka namin papalakihin. That's why, instead of taking care of you, we decided to hire a lot of nannies and maids. Sila ang mag-aalaga sa iyo, dahil baka may mangyaring masama kapag kami ang nag-aruga, Wala kaming ka alam-alam kung paano magpalaki ng anak." My dad explained.

Parang nanumbalik ang lahat, simula noong una. Ang naalala ko na lang ay kaagad na akong iniingatan ni Nanay Aylin. Hindi ko sila maramdaman bilang mga magulang ko.

"Then, Ate Aylin came. Inalagaan ka niya, you seem very closed to her. Ang ganda ng pagpapalaki niya sa iyo. And we know that we can't raised you the way that she did. Kaya ginawa namin ang aming makakaya para makapag-ipon ng maraming pera."

My mom is right. They focused their attention on their business. Making money. While here I am, begging for their attention, love and care.

"Pinalago namin ang kompanya dahil alam naming magagaganit mo iyon sa kinabukasan mo. You don't have to worry about your financial needs because we have a lot of savings. And we thought that it's enough. Pero nagkamali kami. Hindi namin napansin na masyado kaming naabala sa negosyo at hindi ka man lang namin nakukumusta."

Palaging galit sa akin si papa. Lahat ng pagkakamali ko ay nakikita niya. Hindi niya ako pinapansin. At kung minsan nga ay gumagawa ako ng mali para lang makita niya ako bilang kaniyang anak.

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now