Chapter 18

14 3 0
                                    

Chapter 18
Others

Angel's Point of view

I've never been in love. He's my first. Asmodeus is my first. And I am still hoping that he'll be my forever but then again, it's impossible.

Kung sanang kaya kong manatili sa tabi niya hanggang dulo, then maybe, he will be my last, well, let's say he's my last but I am not his last.

Who am I kidding? I will leave him soon. Matagal pa pero ngayon pa lang nasasaktan na ako. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon naming ito, walang kasiguraduhan ang lahat. Aalis ako at maiiwan siya. 

Nakayakap siya sa akin habang nakapikit ang mga mata, hindi matanggal ang ngiti sa mga labi niya.

Nanatili kami sa ganoong ayos nang mga ilan pang minuto noong mapansin kong mahimbing na siyang natutulog.

"Good night my demon." I whispered and kissed his cheek.

Hindi na siya kumibo, mukhang tulog na talaga. I touched his face, grabe napakagwapo talaga. Thank goodness, my first boyfriend is him. 

Alam ko namang siya rin ang huling taong mamahalin ko, dahil hindi na ako magmamahal pa ng iba kung sakaling umalis na ako. Ayaw ko sa iba. 

Pero siya? Hindi malayong makakahanap ito ng bagong mamahalin kapag wala na ako, he has the looks, the personality and all. A walking green flag as they say.

Nakakulong ako sa kaniyang mga braso at ayaw akong pakawalan. Kaunting galaw ko lang ay hinihigpitan niya ang yakap sa akin. Kinapa ko ang noo niya, he's still sick. Pero gwapo pa rin. Parang mas lalo pa ngang naging gwapo dahil ramdam ko ang init niya. 

Halos kalahating oras akong nakatitig sa mukha niya nang makaramdam ako ng gutom. Sinubukan kong umalis sa kaniyang tabi.

"Love..." pinigilan niya akong umalis at mas lalong niyakap. 

So, how am I gonna escape from his hugs. Gutom na ako! Hindi pa ako naghahapunan!

"Asmod, may gagawin lang ako sa baba, saglit lang---"

"Aalis ka?" Tanong niya kaagad at pinilit na imulat ang mga mata.

"Matulog ka muna!"

"Aalis ka ba? Saan ka pupunta? Iiwan mo ako? Hindi ka na ba babalik?" Tuloy-tuloy niyang tanong.

Sasagot pa lang sana ako nang bigla ulit siyang nagsalita.

"Alam mo naman sigurong nahihirapan akong hanapin ka kapag umalis ka 'diba? Just stay here. Ang hirap mong hanapin." Hinawakan niya ang mukha ko. "Stay here, love."

His expression is so serious. Para bang nakatatak na sa utak niya na kapag umalis ako ay hindi na ako babalik.

I laughed a little.

"What's funny?" He asked and play with my cheeks. Tinusok-tusok niya ito.

Pinagdidiskitahan na niya na naman ang dimples ko!

"I'll just eat my dinner downstairs and---"

"Dito ka na kumain! Dito na lang!" Malakas na sabi niya.

"Dito?! Anong dito?! Sa kusina na lang! Adik ka ba?!" Sigaw ko.

"Dito ka na lang kumain. Pwede naman!" Pamimilit niya.

"Ayaw ko Asmodeus! Bababa na ako!" Sinubukan ko ulit makaalis sa yakap niya pero kaagad niya akong napigilan.

"You can't just escape from me." He chuckled.

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now