Chapter 12

6 3 0
                                    

Chapter 12
Maglinis

Angel's point of view

"Asmod... Ang gwapo mo." Saad ko.

Maging ako ay nagulat sa aking sinabi. Bigla na lang kasing lumabas ang mga salitang iyon sa aking bibig.

Napatigil siya sa paglalakad. Lumingon siya sa akin. Nasa labas kami ng barber shop.

"Really?" Ngumiti siya sa akin.

"Huh?"

"You are really out of your mind, Angel." aniya at hinila akong muli. "Umuwi na tayo. Ako na ang kinakabahan sa ikinikilos mo."

Kumunot ang aking noo "W-what's w-wrong?" Tanong ko.

He laughed a little. "Your hands are cold and shaking, plus you are sweating a lot. Lastly, you are blushing big time. Like a cute tomato, Angel."

"T-talaga?" Hinawakan ko ang aking mukha.

"Plus, you are stuttering." Dagdag niya.

Napalunok ako nang paulit-ulit. Yumuko ako at pumikit, ayaw kong makita ang kaniyang mukha dahil napakagwapo niya at pakiramdam ko ay nama-magnet ako sa kaniya. Para bang sunod-sunuran.

"You are sweating." Naramdaman kong pinunasan niya ang aking noo gamit ang kaniyang puting panyo.

"Huh?"

Iyan lang ba ang kaya kong sabihin? Nawawala na naman ako sa aking sarili, hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganiyang kagwapong nilalang.

Tumingala ako sa kaniya. Napagmasdan ko na naman ang mukha niya. He looks like a good guy, innocent one. Malayo sa Asmod na una kong nakilala. 'Yong dati, mukhang demonyo.

Pinunasan niya ang aking pawis. Habang nakatitig lang ako sa mukha niyang napakagwapo talaga nang sobra. Na para bang iligal.

"....you are crazy." He laughed a little. Nagulat na lang ako nang binuhat niya ako na parang sako ng bigas.

Hindi ako kumibo, hindi ako nagwala, hindi ko siya hinampas, at hindi ako nag-ingay dahil pakiramdam ko ay magkakasala ako sa kaniya.

"Hindi ka ba sisigaw?" He asked.

"Ha?" Sabay niyang sabi sa akin

"Naku, kanina ka pa 'ha' nang 'ha', sakit mo ba iyan?"

Hindi na ako sumagot dahil hindi nagf'function ang utak ko at baka 'ha' na naman ang masagot ko. Nakakahiya na.

Ibinaba niya ako sa harap ng sasakyan. Binuksan niya ito at pumasok na ako sa loob. Umikot naman siya at pumasok na rin.

I looked at him once again. He is so handsome, parang hindi pa nag-sink in sa utak ko na napakagwapo niya nga talaga.

"Huwag mo akong tititigan." dinig kong sabi niya.

Bakit ganyan ang kaniyang mukha, para siyang nag-transform. Ang gwapo. Hindi naman siya ganiyan dati.

"Angel, stop staring at me." he stated.

Dati, mukha siyang masamang tao, 'yong tipong makikita mo pa lang siya sa daan, matatakot ka na. Nakalugay ang mahaba niyang buhok noon na para bang kriminal.

"If you won't stop staring, I'm gonna kiss you."

"You are a drop dead gorgeous, greek god, driving a car." muli na namang nagsalita ang aking bibig.

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now