Chapter 23

13 3 0
                                    

Chapter 23
Family

Angel's Point of View

"H-happy.... Happy m-monthsary, Love." Bulong ko. 

Nahihya ako. Sino ba namang hindi mahihiya diba? My boyfriend just prepare all of this and here I am, I did nothing at all. It's our monthsarry, ni hindi ko man nga lang alam na ipinagdiriwang pala ang monthsary. Aba malay ko ba!

Nagpatuloy kami sa pag-aalmusal. Pancakes, Toasted bread with filling, heart shaped waffle with cream and toppings, bacon, ham and eggs ang inihanda niya. There are also two cups of coffee, agad ko itong tinikman.

"Ang sarap!" this coffee is great, I am sure that he didn't make this. 

"Ako ang nagtimpla niyan ah, ang galing ko diba!" pagmamalaki niya. 

Really? Wow! Marunong na siyang magtimpla ng kape! Kuha na niya ang saktong lasa. Madalas kasi ay sobrang pait o di kaya naman ay napakatamis kaya hindi mo man lang maiinom.

"Ang galing mo naman! Your coffee is perfect!" 

"Not really..." he whispered. Umiwas siya ng tingin sa akin. "Naka-tatlong ulit ako diyan." 

"Ha? Tatlong beses?!"

Omg! Talaga ba?! Sana ginising niya na lang ako!

"Oo, pangatlo na yan, 'yong dalawang nauna ay tinakpan ko sa lamesa, sobrang tamis at sobrang pait naman ng isa, mabuti nga iyan nakuha ko na." pagkukuwento niya.

"Hala! Edi sana inayos mo na lang 'yong nauna! Dinagdaghan mo na lang ng asukal kung mapait." 

Umiling siya. "I actually did that but it's getting worst. Kaya nagtitimpla na lang ako ulit."

Omyghad. He is really crazy!

"You made these huge waffles too?" tinikman ko ito. Masarap rin!

"No, love, I ordered them. Hindi ako marunong gumawa niyan." kumuha siya ng pancake at nilagyan ito ng syrup. "But I made this pancake and everything in our meal, waffles lang ang hindi." sinubuan niya ako ng pancake na na kutsara niya. 

Ang sarap rin! Nakakainis! Ang galing na niyang magluto sa totoo lang. 

"How was it?"

"It's tasty and delicous as usual. May inilalagay ka atang spell or something sa niluluto mo kaya ang sarap." I joked. 

"Wala ah! Sadyang magaling ka lang magturo, master." he laughed. 

Pagkatapos naming kumain ay hinila niya ay papunta sa may picnic area. Ang ganda ng likod ng kaniyang mansiyon, parang little version ng 'heaven'. The place where we used to go before, full of white daisy flowers. Pero dito ay puno at grass field lang, walang mga nakatanim na bulaklak. 

Umupo ako sa picnic mat at sumunod rin siya. He sat beside me and he handed me the gifts that he showed a while ago. 

"Flowers and chocolates for you ma'am." kinuha ko ang mga ito sa kaniyang kamay. 

"Thank you, love." I said. Ang bango ng mga bulaklak at mukhang masarap ang mga chocolates na nasa hugis pusong kahon.

"Open it." he uttered. Mukhang napansin niyang kanina ko pa iyong tinititigan. Hindi ko pa rin ito binbuksan kaya siya na ang nagbukas at kumuha ng tsokolate doon. Inilapit niya iyon sa akin na para bang sinusubuan ako, napalunok ako at kinain na iyon. It's just a little kaya kasyang-kasya sa bibig ko. 

"Gusto mo?" tanong ko. Nakatitig kasi siya sa aking mga labi habang ninunguya ko ang tsokolate kanina. Kumuha pa ako ng isa at kinain iyon. 

"Gusto kitang halikan." diretso niyang sabi habang nakatingin sa mga labi ko.

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now