Chapter 5

5 3 0
                                    

Chapter 5
I love rain

Angel's point of view

"Aneleshia! Aneleshia! Aneleshia! Aneleshiaaaa!"

Napakit ako nang mariin dahil narinig ko na naman ang unang pangalan ko. Simula kaninang sinabi ko ang pangalan ko ay trip na niyang tawagin akong Aneleshia.

"Bakit?" Iritado kong sagot.

"Ang sungit mo naman!" lumapit siya sa akin at umupo siya sa countertop.

"Hoy! Asmodeus! Bumaba ka nga! Naghuhugas ako ng plato!" sigaw ko at pinalo siya.

Sinuklay niya ang mahabang buhok niya gamit ng kaniyang kamay habang nakatingin sa akin.

"Bukas ka nalang maghugas ng plato. Let's sleep." aniya habang tinutusok-tusok ang pisngi ko.

"Lumayas ka nga diyan! Nakakairita ka!" sigaw ko habang sinasabon ang mga plato.

"Ayaw ko nga! Tara na matulog na tayo! Dalian mo kasi!" wika niya ulit sabay kalbit sa aking braso

"If you just helped me washing these plates, sana, tapos na ako! Umalis ka nga diyan!"

"Hmm okay! Sige na nga. Basta tabi tayong matulog mamaya ha!" he said like a happy kid. Umalis siya sa countertop at umupo sa dining area.

"Matulog ka mag-isa mo, uuwi ako ngayon." I uttered while rinsing the plates.

"What?! Uuwi?! You have a house? Don't you wanna stay here and be with me?"
malakas niyang sabi.

Muli na naman siyang lumapit sa ako at hinawakan ang braso ko.

"May bahay ako. Doon ako matutulog." I seroulsy stated

"Ayaw ko nga! Dito ka na lang! Sige na, tabi tayo ulit, yayakapin ulit kita." bigla siyang kumapit sa braso ko.

"Ghosh! Asmod! Lumayo ka nga muna!" hindi ako matatapos sa paghuhugas ng plato kapag di siya tumigil.

"Analeshia, you told me that you are my angel and you have a mission to change me. Paano kung natulog ka sa bahay mo at nakapatay ako ng pusa dito, edi nagkasala na naman ako. And it's all your fault! HIndi mo kasi ako binabantayan!"
pagdadahilan niya.

Oh wow, now, it's my fault! Great!

Lumayo ako sa kaniya at nilagay ang mga plato sa dish drainer, sumunod naman siya sa akin at muli siyang kumapit sa braso ko.

Goodness, daig pa niya ang lasing! Naku naman!

"Tara na, let's pray and then you can sleep. Uuwi na rin ako pagkatapos nating manalangin." tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at lumakad papunta sa sala.

"Bakit ka nariyan? Tara sa kwarto ko, let's pray there!" he pulled my hand closer to him.

Bakit kailangan doon pa? Bakit? Lasing ba siya?

"Stop! Dito na lang!" Pilit ko ngunit hinihila niya pa rin ako.

"You are so stubborn! Buhatin na nga lang kita!" Lumapit siya sa akin at muli akong binuhat na parang sako ng bigas.

"Hoy Asmod! Kapag hindi mo ako ibinaba! I am gonna leave you and I will never, ever come back! Ever!" Pinagpapalo ko ang balikat niya.

Ibinaba niya akong muli sa harap ng pintuan niya. Inayos ko ang suot kong purple na bestida.

"You can't just leave me like that, you have a mission right and you have no choice but to stay by my side and don't you fucking dare to leave me." Iniikot niya ako paharap ng pintuan niya at binuksan ito. "Understand?" He whispered on my ear before pusing me inside his room.

I just found myself sitting on Asmod's bed while he's on my side hugging me so tight like a pillow. Nagtangka akong tumakas kanina ngunit binuhat niya akong muli upang iupo sa gilid niya at niyakap ako nang mahigpit.

"Don't leave me, Angel." He said breathly. "Please, just sleep here."

"Let's pray, you'll lead the prayer." inalis ko ang kamay niyang nakapalupot sa baywang ko, sumampa sa ako kama niya at lumuhod. Gumaya rin siya sa akin.

"I'll lead the prayer in one condition..." He whispered while looking at me eyes directly.

"What?"

"Sleep with me for this night, just this night." he slowly held my hand. "Please Aneleshia."

He smiled at me while waiting for my answer. Bakas sa mukha niya na umaasa siyang matutulog ako sa rito sa kaniyang tabi, bakit ba gusto niya akong kasama, mukha ba akong si Nanay Aylin?

"You know what, I'll just lead the prayer." ngumiti ako na ikinadismaya niya.

He sighed. Hinigpitan lang niya ang hawak sa kamay ko at pumikit siya. "Ako na lang, hahawakan ko na lang ang kamay mo."

Nanlaki ang aking mga mata at natawa. "Okay!"

Nagsimula na siyang magdasal. Honestly, I thought, he doesn't know on how to pray but I was surprised that he does. Medyo nalito nga lang ako sa part na hihiling na siya ng gusto niya.

"Lord, please tell your beautiful Angel right here to sleep with me..." he uttered.

I immediately open my eyes and looked at him. He seriously praying like an innocent guy.

"...amen"

Pagkatapos naming manalangin ay umayos siya ng upo sa kama niya at muling tumingin sa akin.

"Sleep here please." ani Asmod habang nakaupo.

Nakaluhod pa rin ako at hindi gumalaw. Umusog siya nang kaunti sa akin at nagtangka siyang yakapin ako ngunit mabilis akong umalis. Nalaglag ang panga niya habang nakatingin sa akin.

"Sorry, but this time, I think our God didn't answer your prayer. He told me to sleep in my house." pinilit kong magsalita kahit na ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko.

"What?! No way! You are joking!" Galit niyang tugon. "Minsan na ngaa lang ako manalangin, hindi niya pa diringgin. seriuosly? What kind of God is that?!"

"Hoy! Shut up Asmod! Watch your mouth! How dare you say those words huh?!" I shouted.

"Puta---"


"Put-spa!" I cut him off.

"Itigil mo nga 'yan, gag---"

"Ga ge gi go gu." Putol ko.

"Aaaahhhh!"
bigla siyang sumigaw at ginulo niya ang kaniyang buhok. "Umalis ka na nga! Alis! if you don't wanna sleep here, just damn go!"

My eyes widened as I heard his scream. His eyes darkened. At parang kahit anong oras ay makakasuntok na siya.

"Calm down--"

"Stop right there!" malakas niyang banggit. "Umalis kana."

"Are you sure?"

"Yes, I don't need you. Just go!"

Muling lumakas ang tibok ng puso ko. Wala akong magawa kung hindi umalis sa bahay niya. Malapit lang naman ang apartment ko mula rito pero wala akong makitang sasakyan. Napag-isipan ko na lang maglakad ngayong gabi. Kung maglalakad ako ay medyo malayo iyon. Dala-dala ko ang damit kong nilabhan ko. 'Yong damit na sinukahan ni Asmod.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mag-isip. Bakit parang galit na galit siya? Bakit parang ang laki ng kasalanan ko samantalang ang babaw lang naman ng hindi ko pagtulog sa bahay niya.

I don't get his trip. Kanina ayaw niya akong pakawalan tapos bigla, ngayon, pinagtabuyan na naman niya ako.

"Get in..."

Bakit kaya gano'n kasama ang kaniyang ugali, daig pa niya ang batang inagawan ng laruan.

"I said get in, damn!" his deep voice echoed.

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now