Chapter 20

10 3 0
                                    

Chapter 20
Jealous

Angel's point of view

"Love, aren't you tired?" He asked.

Kakatapos lang namin maglinis ng mga bathroom dito sa building nila at ngayon ay nagwawalis kami sa hallway.

"No I am not, you are helping me with this that's why everything seems easy."

Hindi naman talaga ako pagod dahil kaunti lang ang ginawa namin. Hindi rin naman masyadong marumi ang building nila.

"Anyways, how about your classmates and friends, why didn't you just go with them."

Tumigil siya pagsalok ng basura at tumingin sa akin.

Umalis na kasi ang mga kaibigan niya kanina at hindi na siya sumama.

"Since half day lang ang pasok ay nagkayayaan silang mag-movie marathon. Isasama rin kita kaya lang nandito ka pala kaya dito na lang rin ako." He said.

Nagpatuloy lang kami sa paglilinis. Huling part na rin naman ang paglilinis sa hallway kaya mabilis lang naming natapos.

Pumunta kami sa cleaning area kung saan nilalagay ang mga panglinis. Ayaw ko na nga sanang sumama si Asmod kaya lang nagpupumilit.

"Naiinis na nga ako sa mga kaklase kong nalulula sa ganda mo, pati ba naman sa mga janitor dito?" Matalim ang kaniyanv tingin sa mga kuyang janitor na bumabati sa akin.

"Ano ka ba! Pamilyado na ang mga iyan! Tingnan mo nga, ang tatanda na!" Tawa ko.

Hindi naman siya sumagit sa halip ay hinawakan niya lang ang aking baywang at hinapit papalapit sa kaniya.

Ayaw ko rin namang pumalag sa kaniya dahil siguradong taob rin naman ako. Baka umabot pa sa kung saan ito kung magrereklamo pa ako. Kaya naman, titig na titig ang mga ibang katrabaho ko dito habang magkasama kami ni Asmod.

"Mabuti pa si Angel, half day lang." Sabi ni Ate Tanya.

Napag-usapan din kasi bago ako mag-umpisa sa trabaho ang mga rules, kapag half day ang mga estudyante sa building na nililinisab mo ay pati na rin ang tagalinis ay half day dahil wala namang estudyante ang magkakalat.

"Ang gwapong binata ng kasama mo Angel." Tinutukso ako nina Aling Eva.

"Siyempre po, maganda ako." Sakay ko naman sa mga biro nila at nagtawanan kami.

Si Asmod naman ay pulang-pula ang mukha at nahihiya na kaya nilayo ko na siya doon dahil kulang na lang ay parang gusto na niyang maglaho.

"Hoy! Mukha kang kamatis, gwapong kamatis." I teased him.

"Shut up. I am gonna kiss you here." Nagtiim bagang siya.

Oh, until now, I am still amaze on his jawline. Ang gwapo niya.

Hindi ko mapigilang hawakan ang kaniyang panga.

"Asmod totoo ba ito?" Tanong ko habang hinahaplos ang kaniyang panga. Muli itong umigting.

Napanganga ako. Nadadagdag talaga sa kagwapohan niya ang panga niyang perpekto.

"Stop it, love." Umiwas siya. Muli na namang pumula ang kaniyang mukha! Ang gwapo!

Umuwi na kami bago pa siya mainis at baka buhatin na naman niya ako. Naligo na ako habang siya naman ay nagluluto ng tanghalian namin at pagkatapos ay kumain na. Ilang beses ring tumunog ang kaniyang cellphone.

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now