Chapter 4

5 4 0
                                    

Chapter 4
Bawal Magmura

Angel's Point of View

Hindi ko alam kung paano babaguhin ang nilalang na ito. Para siyang kanang kamay ni satanas sa sobrang sagwa ng ugali.

Those are the words that I said from the very start. Ang pangit ba naman kasi ng unang pag-uusap namin. Imagine? Muntik na niyang bugbugin ang lalaking nakatapon ng juice sa damit niya. Kahit hindi naman niya iyon sinasadya.

"Damn you, pakialamera kang pangit ka! You don't even know what happened a while ago!" He shouted.

Alam kong hindi ko naabutan kung ano talaga ang nangyari pero wala naman siya sa lugar para takutin ang lalaking ito. Ang narinig ko lang ay humihingi ng tawad ang binatang may hawak ng juice.

"Bakit? Ano bang nangyari? Tell me?" panghahamon ko.

Aba, siguraduhin niyang sapat ang rason niya dahil kung hindi, ako mismo ang gugulpi sa kaniya.

"That guy behind you! Hindi tumitingin sa daanan niya kaya nabuhos sa akin ang juice niya!" ipinakita niya ang mantsa sa kaniyang kulay puting longsleeves at kitang-kitang ang bakas ng orange juice dito.

Nanliit ang aking mga mata at kinunot ko ang aking noo.

Ano siya! Bata? Para 'yon lang ay mananakit na siya? Daig pa niya ang inagawan ng candy sa sobrang immature.

"Ang babaw lang pala ng dalihan, bakit halos patayin mo na ang lalaking ito? Ganiyan ka ba talaga? Porke alam mong walang kaya sa iyo?! Bubugbugin mo?" Halos ipagdikdikan ko sa kaniya na mali ang kaniyang ginagawa.

"The hell? Alam mo ba kung magkano ang longsleeves na ito? Mas mahal pa ito sa buhay mo!"

Biglang kumulo ang dugo ko. Talaga bang ganiyan ang takbo ng utak niya?

"Ang bobo mo nga naman! Mayaman ka naman pala?! Bakit hindi mo gamitin ang pera mo para bumili ng maraming long sleeves?!" Malakas kong banggit.

His jaw dropped.

"That is not my point silly!" he said.

"So what's your point then?" Tumigil ako sa pag-alalay sa lalaki kanina na nanginginig ang tuhod at halos hindi na makatayo.

"My point is, he should pay for what he fucking did to me." he whispered.

Muli na namang nag-init ang dugo ko sa walang kwenta niyang dahilan. Isip bata, akala mo naman malaking problema ang pinagdadaanan niya.

"Humingi na nga ng tawad, 'diba?" sabi ko. "Hindi mo ba narinig kanina? Bingi kaba?"

He clenched his jaw. Aba! May gana ka pang magmatigas ha!

"Well, his sorry is not enough..." He whispered for the second time.

Ayaw ko mang manakit pero kailangan ng lalaking matapobreng ito ng isang leksyon.

"Not enough huh?" I bit my lip. "I guess that..this is enough then." Walang ano-ano ay mabilis kong pinadapo ang kamao ko sa kaniyang mayabang na mukha.

Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon upang ilayo na ang lalaking may hawak ng juice. Hinatid ko siya sa bahay nila.

"Thank you po sa kanina ate." He smiled.

"Wala 'yon. Basta, next time, mag-iingat ka ha." Paalala ko sa kaniya bago umalis.

Naglakad ako pabalik sa bahay. I live in an apartment here in Davao near the church. 

That Angel is a DEMON (That Angel: Book 1)Where stories live. Discover now